God Gave Me You - 26

817 20 0
                                    

MENG



"Bakit ang tagal mo?" agad na bungad sa akin ni senyora. As usual ay nakatikwas na naman ang kilay niya habang magkasalikop ang dawalang braso sa ibabaw ng dibdib niya.


"Traffic po sa EDSA, senyora," malumanay na sagot ko.


Umirap lang siya habang inilalapag ko ang pizza sa ibabaw ng iron-wrenched table.


"Bueno, kunin mo nga ang salamin ko sa mata sa kwarto."


"Okay po."


Pag-akyat ko ng hagdan ay bumalik sa isip ko ang ginawa ni senyora kanina. Kaya naman nang nasa pinakataas na ako ay sinadya kong pagaanin ang hakbang ko nang apakan ko ang parte ng sahig na nilagari ni senyora kanina bago ako umalis.


Ganoon pa rin ang ginawa ko nang pababa na ulit ako. Sa tuwing mapapadaan ako sa parteng iyon na natatakpan ng floor ay sinasadya kong pagaanin ang hakbang ako. Alerto rin ako kung sakaling bigla na lang iyong bumigay.


Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni senyora nang makabalik ako sa harap niya bitbit ang salamin niya sa mata. Isinuot niya iyon at biglang lumingon sa loob ng bahay partikular na sa itaas malapit sa may hagdan.


Kumuha siya ng isang slice ng pizza at isinubo iyon. "Kunin mo ang ointment ko sa kwarto ko at biglang sumakit ang ulo ko."


Mabilis na tumalima ako at ginaya ko ulit ang ginawa ko kanina. At habang pababa ako ay nakita kong pinagmamasdan ako ni senyora. Tila may hinihintay na mangyari.


"Eto na po," sabi ko sabay abot ng ointment sa kanya.


"'Yong vitamins ko ang kunin mo. Dali!"


Kinuha ko rin 'yon.


"'Yong prayer booklet ko kunin mo rin!"


Marami pang pinakuha si senyora sa akin sa kwarto niya na halata namang hindi talaga niya kailangan. Gusto niya lang akong pahirapan at gusto niyang masira ang butas sa sahig na 'yon sa pamamagitan ng pagpapabalik-balik ko. Ang kaso nga ay magaan ako kaya naman hindi iyon basta-bastang bibigay lalo na't alalay ang ginagawa ko sa tuwing hahakbang ako sa parteng iyon.


"Lintik," narinig kong usal ni senyora sa sarili niya. Tumayo siya at dahan-dahang naglakad paakyat ng hagdan. Nang nasa taas na siya ay pinakatitigan niya ang floor mat. At nang makita kong inapak-apakan niya 'yon ay mabilis na pumunta ako sa stock room na siyang katapat ng butas sa taas kung saan naroon si senyora ngayon.


Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng paglangitngit ng kahoy mula sa taas hanggang sa bumigay nga iyon at nahulog si senyora... sa trampoline na hinanda ko. Sigaw pa rin siya nang sigaw habang nagba-bounce siya sa ibabaw ng trampoline.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon