God Gave Me You - 32

811 16 0
                                    

MENG



Hindi natapos sa pagsakay ng kabayo ang moments nina Paola at Alden. After kasi nilang mag horseback riding ay nagyaya pa si Paola na mag zip line.


"Sige na, sumama ka na," yaya pa rin sa akin ni Alden. Kanina pa niya 'ko kinukumbinsing sumamang mag zip line dangan lang at tumatanggi ako.


"Oo nga, sumama ka na. Huwag kang mag-alala, it's my treat," sabi naman ni Paola na nakaangkla sa braso ni Alden. Hindi ko mawari kung genuine ang pagyayaya niya sa 'kin dahil nakangiti nga siya, pero 'yong tipo ng ngiti na hindi umabot sa mata. Saka alam ko namang gusto niyang ma solo si Alden.


"Hindi talaga. Dito na lang ako at papanoorin ko kayo. Promise, okay lang ako rito," pag a-assure ko sa kanilang dalawa. Ang totoo'y gusto ko na lang bumalik sa hotel namin kundangan lang at hindi ko alam ang daan pabalik. Baka kapag nag decide akong bumalik ng hotel na mag-isa ay maligaw tuloy ako.


"Sure ka, ha?" si Paola ulit. "Tara na, Deng." Hinila na niya si Alden papunta sa may zip line area habang sinusundan ko naman sila ng tingin. Nakahawak pa rin si Paola sa braso ni Alden habang ang ulo niya ay nakasandig sa balikat ng binata. Kung hindi ko lang sila kilala ay baka mapagkamalan ko pa silang mag-jowa na sobrang sweet sa isa't isa.


Hindi man sweet-sweet-an si Alden kay Paola, hindi naman niya pinipigilan ang dalaga sa mga advances nito. Sa madaling salita, go with the flow lang ang binata.


Sabay na kinabitan ng safety gear and dalawa at ilang saglit pa ay nakabitin na sila habang may sinasabi ang mga nag-a-assist sa kanila. At bago pa man sila tuluyang bumulusok pababa ay nakita ko nang ikiling ni Paola ang mukha niya paharap kay Alden. Saglit na nagdampi ang mga labi nila hanggang sa unti-unti na silang bitawan ng mga lalaking nasa likod nila.


Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa dibdib ko nang makita kong naglapat ang mga labi nina Alden at Paola. Wala ako sa posisyon para manibugho pero iyon mismo ang nararamdaman ko ngayon. To think na halos kakasabi ko pa lang kay Alden kanina na hindi niya ako pwedeng ligawan dahil wala siyang aasahin sa akin.


Bakit tila magkasalungat ang sinasabi ng bibig at ng dibdib ko?


Hanggang sa makabalik ulit sa cottage sina Paola at Alden ay magulo pa rin ang utak ko. Yes, naguguluhan ako sa emosyon ko at hindi ko alam kung bakit. Nagyaya na akong bumalik ng hotel at dinahilan ko na lang na baka hinahanap na ako ni senyora. Mabuti na lang at pumayag si Alden bagama't tila gusto pang mag-stay ni Paola sa Picnic Groove.


Pagkarating na pagkarating namin ng hotel ay agad na nagkulong ako sa room namin ni senyora Nidora at pinilit na payapain ang sarili. Possible palang mangyari 'yon na magulo ang sistema dahil lang sa isang lalaki na hayagan ang pagsasabing gusto ka niya. At aaminin kong hindi ako immuned sa charm ni Alden.


Parang impossible naman kasing hindi magustuhan ang isang 'yon. Bukod sa gwapo, matalino, mayaman, malambing, may sense kausap at mapagmahal, may pamatay na dimples rin siya. Combo na kumbaga. At lahat ng mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya na halos. Bonus pa na gusto niya ako.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon