God Gave Me You - 30

939 16 0
                                    

ALDEN



Lumipas ang mga araw at tuluyang naging maayos ang pakikitungo ni lola Nidora kay Meng. Naging kapansin-pansin rin na mas naging masayahin si lola sa tulong na rin ng dalaga. Malaki ang ipinagpapasalamat ko at ng buong pamilya namin dahil kung hindi dahil kay Meng, marahil ay bugnutin at mabilis pa ring mag-init ang ulo ni lola.


Samantala, gustuhin ko mang maging malapit kay Meng ay tila decided naman siyang iwasan ako. Sa tuwing tatangkain kong makipag-usap sa kanya ay lagi siyang nakakaisip ng paraan para makaiwas sa pangungulit ko.


Sa totoo lang ay hindi ako sanay na naghahabol sa babae. Hindi man marami ang mga naging ex ko, hindi naman ako nahirapang suyuin sila noon. Sabi nila ay likas daw ang pagiging charming ko. Peo bakit pagdating kay Meng ay ayaw yatang tumalab ng charm ko? Laging dedma ang dalaga sa tuwing tatangkain kong magpa-cute sa kanya. O baka naman hindi niya talaga ako type at wala akong pag-asa sa kanya?


Mas lalo pang naging malabo ang tangka kong pakikipaglapit kay Meng nang dumating ang kumara ni lola Nidora na galing states kasama ang apo nitong si Paola. At hindi naman sa pagyayabang o kung ano pa man, sa unang pagkikita pa lang namin ni Paola ay alam ko na agad na gusto niya ako. Panay ang dikit niya sa 'kin at hindi rin siya nahihiyang maging sweet kahit kaharap namin ang mga lola namin.


"Alden, apo. Bakit hindi mo ipasyal itong si Paola? Matagal na panahon rin siyang hindi nakauwi dito sa Pilipinas. I'm sure na marami siyang na miss habang wala siya rito." Narinig kong sabi ni lola isang umaga na nag-aagahan kami.


Gusto kong tumutol sa idea dahil unang-una, saan ko naman siya ipapasyal? Sa Luneta na? Sa Manila Zoo? Saka hindi rin ako kumportable sa idea na kaming dalawa lang ni Paola ang mamasyal. She's too touchy. Don't get me wrong. She's sexy and all but she's not just my type. I'd still want to go with women who are reserved like Meng. Si Paola kasi ay kabaliktaran ng babaeng gusto kong makasama. She's nosy, daring and liberated. Maging pananamit niya ay hindi rin "approved" sa panlasa ko. She's showing too much skin.


"I like that idea, lowlah! As in really really like that." The last word she pronounced sounds like 'duhh' instead of 'that.'


At isa pa 'yon sa ayaw ko sa kanya. Masyadong maarte magsalita. Mas maarte pa siya sa Presidential sister na si Kris Aquino. But of course, I can't tell her that at alam kong sasama ang loob niya.


"I'm sorry but I'm kind of busy lola. May aasikasuhin po ako today," pagsisinungaling ko na lang. Mas mabuti pang tumambay na lang muna ako sa bahay ng isa sa mga kaibigan ko.


"Oh, scratch that, hijo. Forget about your plans today since you're coming with us. We'll go to Tagaytay. Yes, that would be fun, right?"


"Korek ka diyan, kumara!" sang-ayon naman ng kumara ni lola na si lola Wanda.


I growled in protest. Tagaytay? I don't wanna go to Tagaytay today. Gusto ko sanang ibulalas. Pero naputol ang tangkang pagrereklamo ko nang biglang sumulpot si Meng na may dala-dalang tray na may umuusok na kape.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon