BNKM - 24

2.7K 62 0
                                    

OLIVER'S POV

KANINA pa pabiling-biling sa higaan niya si Oliver pero hindi siya dalaw-dalawin ng antok. Nasa isa sa mga guestroom sila dahil nasa masters bedroom ang mag-asawang Raffy at Jenny. Pumayag na rin siya na ang mga ito na muna ang gumamit ng kwarto niya dahil hindi rin siya handaang matulog doon na katabi si Zyra.

Nang sa tingin niya ay mailap talaga ang antok sa kanya ay tumayo siya at lumabas ng silid matapos siguruhing tulog na ang asawa. Maglalakad-lakad na lang muna siguro siya sa dalampasigan. Habang naglalakad siya papalayo sa pension house ay may nakita siyang bulto ng katawan na nakahiga sa buhanginan. And he thought that the figure was familiar. Lumapit pa siya ng kaunti at nasiguro niyang kilala nga niya ang nakahigang iyon. It was Pauline.

“Can’t sleep?” aniya habang unti-unting umuupo sa tabi nito.

Agad na napabalikwas ito pagkarinig sa boses niya. Nakita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito. “Did I scare you?”

Bahagyang umiling ito. “Nagulat lang ako. Why are you still here? You’re supposed to be sleeping now.”

“I can’t sleep. I was thinking of someone.” Alam niyang hindi tamang sabihin niya ang bagay na iyon but he just can’t control the words that’s slipping in his mouth. Well, also he can’t control his heart that’s beating really fast right at that moment.

Ilang sandaling katahimikan ang lumukob sa kanilang dalawa. Buwan lang ang tumatanglaw sa kanila pero nakita niya ang madalas na pagbuntong-hininga ng dalaga.

“You know Pau, I’ve been really thinking about you these past few days. I can’t seem to take you out of my mind.”

Marahas na lumingon ito sa kanya. “Stop it.”

“Why should I stop thinking of you when – ” Naramdaman niya ang pagdantay ng hintuturo nito sa ibabaw ng mga labi niya kaya napatigil siya sa pagsasalita.

“I said stop it, Oliver.” Nakita niya ang paghihirap sa maamo nitong mukha. Gusto niyang yakapin ito, hagkan at iparamdam dito na hindi nito kailangang maging malungkot dahil naroroon siya upang pasayahin ito. But he remembered he don’t have the right to do so.

“Why should I stop thinking about you, Pau? Why should I stop loving you when in the first place that’s the only thing that I want to do?”

Nakita niya ng pahirin nito ang luhang malayang namalisbis sa mga mata nito. “Because you now married, Oliver. Please, don’t make it too hard for me. Gusto kitang mahalin, pero wala na akong karapatang gawin ‘yun kasi kasal ka na kay Zyra,” she paused for a while. “Wala na tayong karapatang mahalin ang isa’t isa dahil kasal ka na sa iba. I mean, at least not in a romantic way. But we can still be friends, Oliver. Hindi naman ibig sabihin na nagpakasal ka na ay kakalimutan na natin ang lahat ng masasayang pinagsamahan natin.”

Hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakaupo sa pwesto niya hanggang sa tumayo ang dalaga at iwan siya. Isang bagay ang nasiguro niya ng mga sandaling iyon. He just doesn’t ‘wanna be just friends with Pauline. Kung paano iyong mangyayari ay hindi niya alam.

Nahiga siya sa buhanginan at saka pinagmasdan ang mga tala na nakasabog sa kalangitan. Somehow, the sight brought him peace.

*****

NAGING MAAYOS ang pa-kwarenta ng mommy nina Raffy at Oliver. Dahil sa New York inilibing ang ginang ay marami sa mga kaibigan at ilang kamag-anak ang dumagsa ng araw na iyon. All were telling their share of stories about the goodness of tita Rose.

Bandang hapon ay nagpaalam si Pauline na tutulak na pabalik ng Makati dahil dahilan niya ay may lakad siya kinabukasan which was of course was just an alibi.

Sinubukan siyang pigilan ni Jenny pero hindi na siya nagpapigil. Kailangan niyang ilayo ang sarili mula kay Oliver dahil sa tuwing nagkakalapit sila ay hindi niya maiwasang masaktan lalo na kapag nakikita niya ito na kasama si Zyra. Wala siya sa disposisyon na makaramdam ng ganoon kaya’t siya na mismo ang lalayo.

Hindi niya namalayang habang nagmamaneho siya pabalik ng Makati ay tumutulo pala ang luha. Kinailangan pa niyang huminto sa gilid ng kalsada dahil natatakot siyang ma-disgrasya dahil sa mga luhang iyon. She waited for few minutes hanggang sa unti-unti niyang mahamig ang sarili.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon