BNKM - 27

2.8K 53 1
                                    

OLIVER'S POV

NAKANGITING mukha ni Zyra ang sumalubong sa kanya pagkapasok niya sa bahay na sadyang iniwan ng mommy Rose niya para sa kanilang dalawa. Nang igala niya ang paningin sa loob ay ganoon pa rin halos ang ayos niyon. Walang ginalaw ang asawa niya.

“Mabuti naman at nakasunod ka agad. Ang akala ko ay matatagalan bago ulit tayo makapag-usap,” anito habang papunta ito ng kusina. “Naghanda ako ng merienda, kain muna tayo.”

Nagtataka siya ng mapansin niyang hindi galit ang boses ni Zyra. Iba kasi ang inaasahang niyang madaratnan niya. Ang akala niya ay madaratnan niya itong miserable at galit na galit sa kanya subalit kabaliktaran iyon ng inaasahan niya. Zyra looked happy and at peace. Mababanaag iyon sa maganda nitong mukha.

Tahimik na sumunod siya dito sa komedor. Hinayaan niyang pagsilbihan siya nito kagaya nang ginagawa nito noon. Then he realize na ito pa rin ang Zyra na naging nobya niya noon. Maalaga at maasikaso pa rin ito sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung bakit sila naghiwalay noon. Kung bakit hiniwalayan niya ito noon.

Nang matapos silang kumain ay niyaya siya nito pabalik sa sala. Tahimik pa rin siyang nagmamasid sa asawa niya. Ito na ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa kanila.

“I’m setting you free, Oliver.”

His jaw dropped open nang marinig niya ang sinabing iyon ni Zyra. She’s setting me free?

“Nang magpakasal tayo months ago, ang buong akala ko ay mababalik iyong dati nating samahan. I thought you could easily love me back dahil ako ay ganoon pa rin naman ang nararamdaman ko sa iyo. When tita Rose asked me to marry you, hindi na ako nagdalawang-isip pa. I wasn’t getting any younger anymore at sa tingin ko ay kailangan ko ng makakasama habang buhay. At very timing naman ang sinabing iyon ng mommy mo.

“Pero may isang bagay akong hindi sinabi kay tita Rose when I accepted her proposal. I never told her na hindi ko kayang magkaroon ng anak dahil natakot akong baka bawiin niya ang sinabi niya. You see, I instantly grab the opportunity without even thinking kung ano ang magiging consequence ng magiging actions ko. I know, I was being selfish.”

Mataman lang siyang nakikinig dito. Hindi niya alam na may ganoong palang kwento sa likod ng pagpayag nito na maikasal sa kanya. Takot itong mamuhay na mag-isa pagdating ng panahon.

“Nandito pa lang tayo sa New York, alam ko nang may malaki akong problema. Yes, we do have sex, pero ramdam ko na wala sa akin ang puso ko. Parang lumilipad ang isip mo everytime you made love to me – kung making love nga iyong matatawag. At noong nasa Pilipinas na tayo, doon ko napagtanto kung bakit parang ang layu-layo mo sa akin. Kung bakit hindi mo ako magawang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa iyo. You were in love with someone else. You were so desperately in love with that Pauline Maniquis.

“At first, gusto kong magwala sa galit. Parang gusto kong awayin yung babaeng dahilan kung bakit hindi mo maibigay ng buong-buo ang sarili mo sa akin. But then I realized, hindi niyo naman kasalanan na minahal niyo ang isa’t isa. Noong marinig ko kayong nag-uusap sa dalampasigan noong gabi bago ang pa-forty days ng mommy mo, doon ko inamin sa sarili ko na wala akong laban kay Pauline. Na hindi ko na maibabalik ang kung anumang mayroon tayo noon. I tried to wait for you para sana makapag-usap tayo pero matagal ka bago bumalik at naiinip na ako so nauna na akong umalis. Alam ko naman kasing susundan mo ako. Ganoon ka kabait. Alam kong kahit na nasa Pilipinas ang taong makakapagpasaya sa iyon, susundan mo pa rin ako kasi ako ang asawa mo. You would do the right thing instead of doing what would make you happy.” Mahabang pagsasalaysay nito sa nararamdaman nito. “Aren’t you going to say something?”

Nahihiyang napatungo siya. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin dito pagkatapos niyang marinig ang panig nito? He’s happy, alright. Pero alam niyang kahit na mukhang okay si Zyra, alam niyang hindi ito okay.

“Did I hurt you too bad?” sa halip ay tanong niya dito.

Nakita niyang namasa ang gilid ng mata ng asawa niya dahil sa tanong niyang iyon. “Not that bad, just a little.”

“Can I still make it up to you?”

Umili-iling ito. “If you’re asking for a second chance, no, I’m not giving it to you. Pareho lang nating sasaktan ang mga sarili natin.” Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. “Let’s file a divorce and be happy with our lives. Huwag mong itali ang sarili mo sa akin kung pupwede ka namang maging masaya sa piling ngatong gusto mong makasama habang buhay.”

May namuong bikig sa lalamunan niya. Pakiramdam niya ay namasa rin ang gilid ng mga mata niya. Pinapalaya na siya nito. Pinapalaya siya nito para makasama niya si Pauline.

“Can I at least hug you, Zy?”

Ito na ang kusang yumakap sa kanya. Mahigpit na nagyakap sila na para bang iyon na ang huling pagkakataon na mayayakap nila ang isa’t isa. “I’m sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Sinubukan kitang mahalin na kagaya noong pagmamahal ko sa iyo noon, pero hindi ko na maibalik ‘yung dati. Salamat sa pang-unawa Zy. Alam ko makakahanap ka rin ng lalaking tunay na makakapagpasaya sa iyo.”

Pagkalipas ng isang buwan ay tuluyan nang ibinaba ang hatol na nagpapawalang-bisa sa kasal nila ni Zyra. Nag-celebrate sila sa isang restaurant at pagkatapos ay iyon na ang nagsilbi nilang pamamaalam sa isa’t isa dahil kinabukasan naman ay nakatakda na siyang bumalik ng Pilipinas para harapin ang buhay niya doon. Si Zyra naman ay mananatili sa New York at itutuloy ang pagiging nurse nito.

Nagpasya si Oliver na iwan sa dating asawa ang lahat ng ari-ariang ipinamana dito ng kanyang ina kasama na ang bahay nila.

*****

SAMATALA, puspusan naman ang ginagawang panliligaw ni Raymond kay Pauline. Halos araw-araw ay nakakatanggap siya ng bulaklak at kung anu-anong regalo mula dito. Tuwing Biyenes ay lumalabas pa rin silang dalawa. Mag-iisang buwan na nilang ginagawa iyon pero wala pa rin siyang makapang pagmamahal para sa binata.

In fact, parang mas gusto pa nga niyang maging kaibigan na lang ang binata. Nararamdaman kasi niyang hindi nagkakaroon ng pitak sa puso niya ang binata. Kumbaga ay hindi nagle-level-up ang status nito sa buhay niya. Hindi naman niya alam kung paanong sasabihin dito ang bagay na iyon nang hindi ito nasasaktan. Ah, bahala na si Batman!

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon