God Gave Me You - 17

1K 17 0
                                    

MENG



The next day ay handa na akong lumipat sa bahay nina Alden. As usual ay bitbit ko na naman ang mga gamit ko na kasya naman sa isang malaking travelling bag. Nasa shoulder bag ko naman ang mga mas mahahalagang gamit ko tulad ng wallet at mga papeles ko.


Isasara ko na sana ang travelling bag ko nang mapansin ko ang picture na nakaipit sa notebook ko na nasa ibabaw ng mga damit ko. Ang notebook na 'yon ay journal ko na bihira ko na ring masulatan dahil sa pagiging busy ko. Noong nasa Baybay pa ako ay mahilig akong magsulat ng mga tula.


Kinuha ko ang picture na nakaipit sa notebook at wala sa sariling napangiti nang mapagmasdan ko nang maigi ang picture na 'yon. It was me and Paolo—my guy best friend. Kababata ko si Paolo at magkalapit lang ang mga bahay namin sa probinsiya. Paolo is my frist love at hanggang ngayon ay aminado akong may feelings pa rin ako sa kanya.


Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo na, mabait pa tapos masayahin rin si Paolo. Pero walang nakakaalam ng tungkol sa feelings ko for him dahil sinarili ko lang naman 'yon. Baka nga infatuated lang ako sa kanya dahil nga madalas kaming magkasama noon.


Pero siguro naman hindi na 'ko infatuated sa kanya since napakatagal na panahon na n'on. Nasaan na kaya siya ngayon? Ang alam ko kasi nandito rin siya sa Maynila pero hindi ko eksaktong alam kung saan siya dito. One of these days, kapag nagka cell phone ulit ako ay kokontakin ko si Paolo. Mabuti na rin ang may kakilala ako dito sa Maynila.


Ibinalik ko sa pagkakaipit ang picture at tuluyan nang isinara ang travelling bag. Nang masigurong wala na akong naiwan ay lumabas na 'ko ng kwarto at ini-lock iyon. Ilang saglit pa ay lulan na ako ng taxi papunta sa bahay nina Alden.


Pagdating ko doon ay medyo matagal rin bago bumukas ang gate at halatang natataranta si inday na tila bagong ligo lang at gulo-gulo pa ang buhok.


"Naku, mabuti at dumating ka, Meng. Ikaw na muna ang bahala dito, ha? Uuwi muna ako sa amin at tumawag ang kapatid ko. Malubha na raw ang sakit ng nanay namin," naluluhang pagku-kwento ni inday na tila hindi alam kung ano ang dapat unahin. May kipkip siyang walis-tambo sa kili-kili niya pero wala doon ang isip niya.


Sumunod ako kay inday papunta sa maid's quarter na halatang tuliro pa rin. Nang mailapag ko ang bag ko sa desenting kama ay kinuha ko kay inday ang walis-tambo at tinapik siya sa balikat.


"Sige na magpaalam ka na kay sir. Ako na ang bahala rito," pag-a-assure ko sa kanya.


"Iniisip ko kasi, paano ang pagkain ni sir? At ang mga labahan at walang maglilinis ng bahay," pag-aalala pa rin niya sa mga maiiwang trabaho.


"Hindi na mahalaga 'yon sa ngayon. Ang isipin mo ay ang nanay mo. Besides, nandito naman ako. Ako na muna ang gagawa ng mga gawain mo at wala pa naman ang pasyente ko," nakangiting turan ko sa kanya. For some reason ay magaan ang loob ko kay inday. Well, wala namang rason na hindi mapalagay ang loob ko sa kanya dahil mukha naman siyang mabait.


Magkasama nga kaming pumunta sa silid ni Alden. Siya para magpaalam na uuwi muna sa probinsiya nila samantalang ako, para ipaalam na nandito na ako. Nadatnan naming nag i-stretching ang binata. Tumatagaktak pa ang pawis niya sa katawan.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon