Oplan - 12

2.5K 44 0
                                    

After 4 years…

New York City

“Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan, Ericka?”

Napahinto siya sa paglalagay ng isang patas ng tinuping mga damit sa kanyang maleta ng marinig ang tanong na iyon ni Naj. Nilapitan niya ito at saka hinawakan ang mga kamay nito. “Sure na ako, Naj. Gusto ko na talagang umuwi ng Pilipinas. Pero huwag kang mag-alala, lagi pa rin naman kitang tatawagan para kamustahin.”

“Naman, mami-miss kita ng bonggang bongga. Ikaw kaya ang paborito kong alaga, alam mo naman yun di ba?” Napatango siya sa sinabi nito.

Nakilala niya si Naj sa Hong Kong four years ago sa isa mga fashion gala kung saan isa siya sa mga naging modelo. Kaibigang matalik ito ni Portia na siyang handler niya ng mga panahong iyon. Matapos ang gabing iyon ay kinausap siya ni Naj kung gusto diumano niyang magtrabaho sa New York, bagay na hindi niya napahindian. Sa madaling salita ay ipinakiusap siya nito kay Portia.

Habang abala siya sa mga commitments nila sa Hong Kong ay inasikaso naman ni Naj ang mga dokumento niya para maisama na siya nito sa New York pagkatapos. Hindi na nila kinailangang umuwi ng Pilipinas dahil may mga kakilala diumano ito na siyang naglakad ng mga papeles niya.

Noong una ay hindi naging madali ang pakikipagsapalaran niya sa New York. Pero hindi siya pinabayaan ni Naj. Ito ang nagmotivate sa kanya kahit na nga ba may mga panahong gusto na lang niyang umuwi ng Pilipinas. Hanggang sa unti-unti ay nakilala siya sa New York at nagsunod sunod ang mga naging project niya. Dumating sila sa punto ni Naj na hindi na lang simpleng handler-talent ang naging relasyon nila. Naging malapit silang magkaibigan. Itinuring siya nitong nakababatang kapatid at ito man ay ganoon din sa kanya. Sa katauhan ni Naj ay nagkaroon siya ng kuya, kaibigan, confidante at career consultant all rolled into one.

Sa nakalipas na apat na taon ay malaki ang naitulong ni Naj sa pagtupad niya sa isa sa mga pangarap niya, ang makilala sa larangang iyon na pinili niya. Sa mga hindi kasi nakakaalam, pangarap din iyon ng mommy niya, ang maging isang sikat na modelo. Dangan nga lang at maaga itong nabuntis sa kanya at hindi ito nabigyan ng pagkakataong i-pursue ang pangarap nito. Somehow ay masaya siya dahil hindi man natupad ng mommy niya ang pangarap nito, siya naman ang tumupad niyon para dito.

Ngayon nga ay nagbabalak na siyang umuwi ng Pilipinas lalo na at tapos na ang last league ng modelling stints na kasama siya. Aminado siyang malaki ang naitulong ng pagmomodelo niya. Financially ay malaki na ang naipon niya mula doon. At higit sa lahat, alam niya sa sarili niyang proud siya sa kung anumang narating niya.

“Kung ganyang buo na ang desisyon mo ay hindi na kita pipigilan. Basta lagi mo lang tatandaan, I’ just a call away kapag kailangan mo ng kaibigan. Okay?”

“I will never forget that, Naj,” nakangiting saad niya dito.

“So what’s your plan pagbalik mo ng Pilipinas?”

“I don’t know yet. Actually, wala pa naman talaga akong definite plans. Except that nag email sa akin si Portia at may gusto daw kumuha sa akin na product endorser,” sabi niya dito.

“That’s good. At least hindi ka naman totally mababakante. Malay mo, mas dumami pa ang mag-alok sayo ng endorsements.” Tinulungan siya na siya nito sa pag-eempake.

“I’m not sure, pero iyon lang muna ang tatanggapin ko pagbalik ko ng Pilipinas. After all, it’s the same brand of shampoo na ini-endorse ni Anne Curtis.” Abot hanggang tainga ang ngiti niya ng sabihin iyon. After all these years ay hindi pa rin niya ma-overcome ang obsession niya sa naturang aktres. She still idolized her kahit na nga ba malayo na rin ang narating niya.

Naputol lang ang masayang pagkukwentuhan nila ng makatanggap ito ng tawag. Nagpaalam ito sa kanya na may pupuntahan pero nangako naman itong ihahatid siya nito sa airport sa araw ng pag-alis niya.

Nang mapag-isa siya sa kwarto niya ay hindi niya napigilan ang sarili ng maglakbay ang isip niya patungong Pilipinas. Kamusta na kaya ang mga relatives niya sa Leyte? Ang mga fellow models niya sa GZ modelling agency noon?

Pero sa lahat ng iyon, isang tao ang higit niyang na-miss. Napahawak siya sa heart-shaped pendant ng kwintas na suot niya hanggang ngayon. Biglang gumiit sa isip niya ang nagbigay niyon sa kanya. Kamusta na kaya si Jarome? Masaya kaya ito sa piling ni Antonette? Itinuloy pa kaya nito ang passion nito sa photography?

Ang huling balitang natanggap niya tungkol sa dalawa ay three years ago pa. Noon ay matiyaga pa siyang nagbubukas ng personal email niya. Nakakatanggap siya ng email mula kay Antonette. Ibinabalita nito noon na madalas nitong makasama si Jarome. Na kesyo madami na diumano itong alam tungkol sa binata na maaaring hindi pa niya alam. Hanggang isang araw, isa sa mga email nito ang nagpagimbal sa buong sistema niya. Tandang tanda niya pa ang nakasulat doon dahil maiksi lang iyon.

Friend, kami na ni Jarome.

Limang salita lang iyon subalit sapat na iyon upang tuluyang gumunaw ang gahiblang pag-asang natitira para sa kanila ni Jarome. Mula noon ay hindi na niya muling binuksan ang email niya. Nagpalit rin siya ng numero at sinadyang hindi ipaalam dito ang bago niyang number.

Sa kaalaamang naging magkasintahan sina Jarome at Antonette ay wala siyang sinisi. Hindi si Jarome, si Antonette o maging ang sarili niya. Tadhana ang nagdikta ng naging kapalaran nila. Although may mga pagkakataong naiisip niya na kung umuwi kaya siya matapos ang trabaho nila sa Hong Kong, naging sila kaya ng binata?

Ang daming tanong ang nagsasalimbayan sa utak niya ng mga sandaling iyon. Mga katanungang hindi niya alam kung magkakaroon pa ng mga kasagutan. Kung maaari lang ay gusto niyang hilahin ang mga araw para sumapit na ang araw ng flight niya.

Agad na tinapos niya ang pag-eempake at saka nag-decide na lumabas upang mamili ng mga ipapasalubong niya para sa mga naiwan niya sa Pilipinas. Muntik na niya iyong makalimutan dahil sa dami ng mga tinapos niya nang mga nakaraang araw. Mabuti na lang ay muli iyong pumasok sa isip niya. Nang mga sumunod na oras ay naging abala siya sa pagpili ng mga ipapasalubong niya.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Where stories live. Discover now