God Gave Me You - 09

1K 23 0
                                    

MENG



Pasado alas-siyete na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakailang palit na ako ng posisyon, wala pa rin. 'Yan kasi, inumin ba naman 'yong dalawang kape kanina, pagbubusa ng isang bahagi ng isip ko.



Nanghinayang kasi ako sa kape na in-order ni Alden kaya ininom ko 'yong dalawa. 'Yong isa habang nasa coffee shop pa ako at inatake ng kabaliwan. Kabaliwan naman talaga ang mag-iwan ng letter sa lalaking hindi mo naman lubusang kilala, 'di ba?


Grabe ka, Meng. Prospect employer naman si Alden, singit naman ng isang bahagi ng isip ko. Pero 'yon na nga, hindi ko alam kung ano eksaktong rason kung bakit pinili kong gumawa ng maikling letter sa kanya gayong pwede namang iniwan ko na lang 'yong folder.


At isa pa, masyado naman yata akong bilib sa sarili ko na babalik pa talaga siya ng coffee shop para sa akin. For all I know, napilitan lang siyang interview-hin ako dahil kawawa nga naman ako kung hindi niya ako iinterview-hin dahil nag-effort din naman ako para makapunta sa bahay nila. At baka nga pampalubag loob na lang 'yong kape.


Ah, whatever!


Nang maramdaman kong hindi pa talaga ako makakatulog sa lagay kong 'to, bumalikwas ako ng bangon at nag-decide na mag night swimming na lang. Pangatlong gabi ko na dito sa condo na 'to. Maano bang makapag swimming man lang lalo na't pakiramdam ko ay ang init ng panahon ngayon.


Ilang saglit pa ay naglalakad na ako papunta sa pool area. At habang palapit ako nang palapit sa may pool area ay may naririnig akong tila nagkakasiyahan. Nang tumingin ako sa parang gazebo ay may nakita akong pitong tao na tila magkakaibigan at naghaharutan.


Sa kabilang way ako dumaan papunta sa kabilang dulo ng pool. Doon na lang ako maglulunoy dahil walang namang tao. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa suot ko. Nakasuot kasi ako ng maikling shorts at putting sando habang 'yong mga nasa may gazebo ay tila kanya-kanyang paseksihan. Naka two-piece ang tatlong babae na pawing mga sexy at ang mga boys naman ay naka boxers lang. All the boys were sexy except for one na medyo chubby.


Iniiwas ko na ang tingin ko sa kanila at baka kung ano pang isipin nila. Inilublob ko ang paa ko sa pool at hinayaan kong maging pamilyar muna ang katawan ko sa lamig at pagkatapos ay saka ako lumusong sa tubig.


Sumisid ako pailalim at ninamnam ang sarap ng tubig. Nagpabalik-balik lang ako sa paglangoy mula sa kabilang dulo papunta sa isa pang dulo. Nang mapagod ay sumandal ako sa gilid ng pool at nilaro-laro ang tubig sa mga kamay ko.


Nasa ganoon akong posisyon nang may marinig akong nagsalita mula sa likod. "Hi!"


Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Awtomatikong napakunot ang noo ko nang makita ko ang isa mga lalaking nasa gazebo kanina na ngayon ay nasa harap ko na. Gwapo ang lalaki at halatang matangkad bagama't naka-bend para marahil hind imaging masyadong malayo ang agwat ng mukha namin. Medyo meron siya at maganda ang katawan na bahagyang nalalatagan ng pinong balahibo mula dibdib pababa sa pusod niya at pababa pa.


"Yes?" tanong ko na tinigilan ang paglilimayon sa katawan ng poging nasa harap ko. Meng, ha? Umayos ka.


"Napansin ko kasing mag-isa ka lang dito. Baka gusto mong maki-join sa amin?" anito na ikinataas ng kilay ko. Tila balewala lang naman sa kanya ang pagtaas ko ng kilay. "Derick nga pala," paglalahad pa niya ng isang kamay.


Magiging rude naman ako kung 'di ko tatanggapin ang pakikipagkamay niya so I extended my one arm to him. "Meng," pakilala ko sa sarili ko. Unlike with Alden, wala akong naramdamang spark nang maglapat ang mga kamay namin nitong si Derick. And I noticed that he held my hand longer than the usual kaya kusa ko nang hinatak ang kamay ko bago tipid na ngumiti sa kanya.


"So would you like to join us?" muling tanong niya sa akin.


Umiling ako. "Thanks pero dito na lang ako." Siyempre naman, noh. Nakakahiya naman kung basta na lang akong makiki-join sa kanila. Ni hindi ko nga sila kilala. At sa hitsura pa lang nila, halata na agad na galing sila mga may kayang pamilya. At hinding hindi ako mababagay sa grupo nila.


"If you don't want to join us, then can I join you here?" tanong nitong matamang nakatitig sa akin. Again, kabastusan naman siguro kung basta ko na lang siyang itataboy. Besides, he seems nice naman at hindi ko naman pagmamay-ari ang pool na 'to. So I have no choice kundi ang pumayag.


The next thing I knew ay ini-interview na ako ni Derick. Like bakit daw mag-isa lang ako at bakit hindi ko raw kasama ang boyfriend ko. And I know that he was just fishing for some information. Mga lalaki talaga. Andaming alam na taktika pagdating sa mga girls.


"Single po ako at bago lang ako sa lugar na 'to," sabi ko.


"Seryoso? Sa ganda mong 'yan, wala kang boyfriend? Impossible naman yata 'yang sinasabi mo."


Buhat sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang matawa. Sinabuyan ko siya ng tubig as if super close na kaming dalawa. "Bolero mo! Huwag ako, uyyy!" tumatawa pang sabi ko sa kanya.


Gumanti naman siya ng pagsaboy sa 'kin ng tubig hanggang sa mayamaya pa ay naghahabulan na ako sa pool na para bang matagal na kaming magkakilala. Natigil lang ang pagtawa ko at akmang paglayo ko kay Derick nang makita ko ang lalaking naglalakad palapit sa kinaroroonan namin ni Derick. Sa tindig at built pa lang ng katawan ay nakilala ko na agad ang lalaking ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.


At iyon ay walang iba kundi si Alden. Hindi siya nakangiti kaya hindi ko makita ang dimples niya. At nadi-distract rin ako sa katawan niya na ngayon ay nakatabad sa mga mata ko. He's only wearing black boxer shorts and thus revealing his sexy body. Bigla akong nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan.


Meng, kumurap ka naman.


Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon