God Gave Me You - 13

1K 18 0
                                    

ALDEN



"Alden hijo, samahan mo nga ako sa mall at may bibilhin lang ako," narinig kong bungad ni lola nang pumasok siya sa komedor kung saan kasalukuyan akong nagbe-breakfast. It's a super late breakfast actually dahil napuyat ako nang nagdaang gabi. Paano'y umalis na naman ang huling caregiver ni lola na si Belen at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakahanap ng kapalit.


Eksaktong isang linggo na ang nakakalipas ay naabutan ko si aleng Belen na namumugto ang mga mata habang tila sinasadyang antayin ang pagdating ko.


"Ano pong nangyari?" agad na tanong ko.


"Pasensiya na po kayo, sir Alden. Pero hindi ko na po kayang pakisamahan ang lola niyo," naluluhang sagot ng nakakatanda sa akin.


"Ano po ba ang ginawa niyo sa inyo?"


Umiling-iling si aleng Belen at saka yumuko. "Sa kanya niyo na lang ho itanong, sir."


"Hindi ko na po ba talaga mapipigilan ang pag-alis ninyo?"


"Hindi na ho, sir. Baka kasi maging kriminal lang ako kapag nagtagal pa ako sa bahay na 'to."


Nauunawaang napatitig naman ako sa kanya. Sa sobrang tigas ng ulo ng lola, siguradong may mabigat na dahilan kung bakit nakakapagsalita ng ganito si aleng Belen ngayon. Hindi ko na siya pinigilan at mukhang desidido na nga siya't katunayan ay nasa tabi na niya ang maletang naglalaman ng mga gamit niya. Binigyan ko siya ng separation fee bagama't mahigit isang linggo pa lang naman siya sa amin. Matapos magpasalamat ay dumiretso naman ako sa maid's quarter para kausapin si inday.


Naabutan ko si inday na patulog na at may ina-apply na cream sa mukha. Pagbukas niya ng pinto ay mabilis na napahawak siya sa flat niyang dibdib.


"Ser? Anong kailangan niyo, ser? Huwag po, ser Alden. Huwag po!!!"


Sa halip na mainis ay natawa pa 'ko dahil sa kabaliwan ni inday. "Lakas talaga ng tama mo, inday," natatawang saad ko sa kanya bago humalukipkip at sumandal sa hamba ng pinto. "Itatanong ko lang kung ano'ng ginawa ng lola at umalis si aleng Belen?"


"Ah, 'yon ba ser?" Nagkamot muna siya ng ulo bago naupo sa bangkitong nakaharap sa salamin. "Naku, atin atin lang 'to, ser, ha? Huwag na sanang makakarating sa lola mong bruha."


"Inday," saway ko sa kanya. Kahit papaano'y lola ko ang tinutukoy niyang bruha. Pero parang wala lang narinig si inday at nagpatuloy sa pagsasalita.


"'Yon na nga, ser. Kapag na wala kayo dito sa bahay, kung ano-ano ang pinapagawa ng lola mo kay aleng Belen. One taym ser, may mga pinabili siya na mahirap hanapin. Katulad ng Odong. Eh, jusko ser, sa probinsiya lang naman meron n'on. Bihirang-bihira ang mga tindahang nagtitinda ng Odong dito sa Maynila, ser. Ipp you don knuu." If you don't know ang huling sentence na sinabi ni inday with her Bisaya accent.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon