BNKM - 17

2.7K 64 1
                                    

OLIVER'S POV

“Hijo, tara na. Male-late na tayo sa flight natin.” Naramdaman ni Oliver ang marahang pagtapik ng ina niya sa balikat niya. Naroon siya sa room na inookopa noon ni Pauline. He was hoping that for the last time ay darating ito at pipigilan siya nitong umalis dahil kagaya niya ay mahal din siya nito.

Pinuntahan niya ito sa bahay nito pero walang tao. Nang pumunta naman siya sa office nito ay nalaman niyang may out-of-the country na seminar itong dinaluhan. Sinabi sa kanya ng nakausap niya ang eksaktong petsa ng balik ng dalaga so he begged his mother na hintayin nila ito kahit one week lang. Dapat ay kahapon pa ito nakabalik ng bansa at ngayon ay dapat kaharap na niya ito at masinsinang kausap.

Nag-iwan siya ng letter sa staff nito at kahapon pa dapat na nabasa na nito iyon. Well, siguro ay nabasa na iyon ng dalaga at na-realize nitong hindi pa ito handa na sumugal na kasama siya. He might have scared her kaya hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag-iisip ang bigla na lang magpapakasal sa isang lalaki lalo na nga at ni hindi mo man lang ito boyfriend? He sighed.

“Hijo…” narinig niyang tawag muli ng kanyang ina.

Laglag ang balikat na naglakad na siya papalapit sa sasakyan na maghahatid sa kanila ng ina niya papuntang airport. Maybe that was his destiny. Baka iyon talaga ang nakatadhana para sa kanya at kailangan na niya iyong simulang yakapin.

*****

PAULINE'S POV

“MA’AM Pau, good morning po.” Bungad sa kanya ng HR assistant niyang si Lara. Magtatatlong buwan pa lang ito sa kanila. “May gwapong lalaki po na nagpunta dito the day after you left to Thailand po. May iniwan po siyang letter para sa inyo.” Iniabot nito sa kanya ang isang sobre.

Nakasulat ang buong pangalan ni Oliver sa labas ng sobre. Napangiti siya nang maalala niya ang binata. “Sige Lara, salamat. Mamaya ko na lang babasahin ang sulat na ‘to. You can go back to your work na.”

Ipinagpaliban na muna niya ang pagbabasa ng sulat. Marami siyang nabinbing trabaho dahil na-delay siya ng dalawang araw sa pag-uwi. Supposedly ay noong Lunes pa siya nakauwi ng bansa pero nagpasya siyang mag-extend ng dalawa pang araw dahil sa isang linggong pananatili niya doon ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makapaglibot man lang. Masyado silang naging busy sa seminar na siya naman talagang rason nang pagpunta niya doon.

Nag email na lang siya sa boss niya na mag i-extend siya ng two days dahil may dadalawin siyang mga kamag-anak. Of course, that was not true. Wala silang mga kamag-anak na sa Thailand naninirahan. Ang dalawin ang pinangyarihan ng tsunami ten years ago ang talagang pakay niya. She owe it to herself na balikan ang lugar na iyon para tuluyan na siyang makapag move-on sa buhay niya.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon