God Gave Me You - 38

847 16 0
                                    

ALDEN



I found out na pagdating sa business, maraming naishe-share si Meng. Tila naroon ang line of interest niya. Which is a good thing dahil business minded rin naman ako kahit papaano. Hindi nagtapos sa bulaluhan ang kwentuhan namin ni Meng.


Lumipat pa kami sa Café de Ciudad na siyang pinakasikat na coffee shop dito sa Baybay. Maganda ang ambiance ng naturang coffee shop dahil nakaharap iyon sa dagat. Sa bandang kanan ay naroon ang pier na sakayan ng mga pasaherong papunta ng Cebu.


Maaliwalas ang gabi, lalo na at kaharap ko ang babaeng ngayon ay masasabi kong isa sa pinaka-espesyal na babae sa buhay ko.


"Kumusta na nga pala si senoyora? Hindi ka ba talaga hinahanap sa inyo? Ilang araw ka nang nandito."


"Hindi naman. Saka na kay Uncle Ariel ang lola ngayon dahil dumating 'yong isang pinsan ni lola from States. Parang balak na yatang mag-retire dito sa Pilipinas."


Tumango-tango si Meng matapos kong magsalita. "Eh, ikaw wala ka na bang balak bumalik ng Amerika? Mas greener raw ang future doon."


Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Ayoko rin kasing magsalita ng patapos kasi baka kainin ko rin ang sabihin ko ngayon. But right now, I'm enjoying my stay here in the Philippines." Lalo na at nandito ka. Life is so much more beautiful with you, Meng. Gusto ko sanang idugtong.


"Sabagay. Nandito naman yata karamihan ng friends at relatives mo," sabi ni Meng.


"Right," tugon ko. "Ikaw, may plan kang mag abroad?"


Tumingin muna siya sa 'kin bago sumagot. "I'm not really sure. Pangarap kong yumaman para maiahon ko sa hirap sina nanay pero hindi pa naman sumagi sa isip ko ang mag abroad. Parang hindi ko yata kayang malayo kanila nanay nang sobrang tagal. Saka alam mo, habang tumatanda ako, hindi naman na mahalaga sa 'kin kung yumaman kami o hindi. Ang mahalaga na lang sa 'kin sa ngayon, nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at natutustusan ko pangangailangan ng mga kapatid ko," mahabang sagot ni Meng.


"Alam mo, maswerte ang pamilya mo sa 'yo kasi mahal na mahal mo sila. At lalong mas maswerte ang mapapangasawa mo kasi alam kong magiging mabuting maybahay ka."


Natawa siya sa sinabi ko. "Ang lalim naman na yata masyado nang usapan natin?" natatawa pa ring saad niya. "But seriously, thank you," aniyang matamang nakatitig sa mukha ko. For a moment ay nanatili lang kaming nakatitig sa mukha ng isa't isa. Hindi bumubuka ang mga bibig namin pero parang lihim na nag-uusap ang puso naming dalawa.


"Gusto mong maglakad-lakad muna?" mayamaya ay untag ni Meng sa 'kin.


Agad naman akong sumang-ayon at sabay na rin kaming tumayo sa kanya-kanyang upuan. Nilakad ni Meng ang kahabaan ng Baybay seaside habang panay pa rin ang kwentuhan namin ng kung ano-ano na lang. Bandang alas-nuwebe nang yayain ko na siyang umuwi.


Gusto ko pa siyang makasama nang mas matagal pero ayoko namang mag-alala ang nanay at mga kapatid niya. Tutal, may bukas pa naman. Hinatid ko siya hanggang sa kanila pero hindi na ako pumasok pa sa bahay nila dahil nakita kong nakapatay na ang mga ilaw sa loob. Mukhang natutulog na ang nanay at mga kapatid niya.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon