BNKM - 06

3.8K 71 0
                                    

PAULINE'S POV

TUMANAW sa malayo si Pauline at tila isang eksena sa pelikula na gumitaw sa isip niya ang mga nangyari ilang taon na ang nakakalipas. Nagbalik siya sa panahon kung saan first year college pa lamang siya.

Kakatapos lang ng huling subject niya ng bigla siyang hilahin ng mga kaklase niyang sina Abby Baldomar at Jamie Chua. Ang mga ito ang nakapalagayan niya ng loob sa loob ng klase nila. Magkaiba sila ng university na pinasukan ng best friend niyang si Jenny. “Manood tayo ng volleyball game at balita ko ay may gwapong player daw. Levy ang name.” Excited na wika ni Abby sa kanya habang hawak-hawak siya nito sa kaliwang braso at si Jamie naman ay nasa gawing kanan niya. Literal na kinaladkad siya ng mga ito papunta sa auditorium.

Nag-uumpisa na ang laro ng dumating sila. Naghihiyawan ang mga babaeng naroroon habang akmang titira ang isang player. Kahit medyo malayo sila ay kitang-kita niya kung gaano ka-gwapo ang player na iyon na bahagya pang itinaas ang damit nito showing his nice abs. Flirt!

Parang pagpapawisan siya ng malapot dahil sa ginawa ng player na iyon. Nagkunwari siyang deadma lang pero ang totoo ay nakatutok ang mga mata niya sa player na iyon na nakakuha ng atensiyon niya. Magaling itong maglaro. Napansin rin niyang marami itong fans na babae. Ito ang tinitilian ng karamihan ng mga babaeng naroroon.

Well, normal lang naman siguro iyon dahil sa tingin niya ay ito ang may pinaka-gwapong mukha sa lahat ng mga manlalarong naroroon.

Bago pa man i-proclaim ang winners ay nauna na siyang lumabas ng auditorium. Nagpaalam siya sa mga kasama niya na gagamit ng banyo. Pero ang totoo’y gusto na niyang takasan ang mga ito.

Palabas na siya ng cr nang maramdaman niyang bumangga siya sa malaking bulto ng katawan ng tao. Kung hindi naging maagap ang nakabangga niya ay siguradong natumba na siya sa sahig.

Awtomatikong nag-angat siya ng tingin upang tingnan kung sino ang nakabangga niya. Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya ng makita niyang nakatayo sa harap niya – habang nakapulupot ang mga braso nito sa baywang niya – ang gwapong player na kanina lang ay sinusundan niya ng tingin.

“I’m sorry, I wasn’t watching my way,” kinakabahang sabi niya dito bago nagmamadaling linisan ang lugar. Ayaw niya ang paraan nito ng pagtitig sa kanya. Para iyong nanunuot sa kaibuturan ng pagkatao niya.

Simula nang araw na iyon, naging regular na sa mga panaginip niya ang maamong mukha ni Levy. Halos isang taon rin nila itong pinagpantasyahan nina Abby at Jamie. Pero hanggang doon na lang iyon dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makilala ito ng husto noon lalo na at grumaduate na ito ng sumunod na taon.

“Yeah, I actually remember you.”

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon