Chapter 3

11.6K 262 20
                                    

Pagdating na pagdating ni Yvonne sa Maynila ay agad siyang dumiretso sa bahay nina Randell. It was Sunday kaya alam niyang nasa bahay lang ang binata dahil day-off nito sa trabaho.

Pero papasok pa lang siya sa eskinita nina Randell ay napansin na niyang maraming tao ang nagkukumpulan sa harap ng bahay ng mga ito. Mas lalong bumilis ang mga hakbang niya. Atat na atat na siyang marating ang pakay na bahay. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa pinto ay tinatawag na niya ang pangalan ng nobyo niya.

“Randell!  Randell…!”

Pero ganoon na lang ang gulat niya nang pagpasok niya sa bahay ng mga ito ay naabutan niya itong seryosong nakaupo katabi ang mama nito. Sa harap naman ng mga ito ay isang mayamang mag-asawa. Sa tabi ng mayamang mag-asawa ay nakita niya ang isang nakayukong babae. Bigla siyang kinabahan.

“Randell…” tawag niya ulit sa nobyo niya. Nilingon naman siya nito pero hindi ito nagtangkang tumayo para salubungin siya ng yakap na siyang inaasahan niya.

“And who are you, young lady?” mataray na tanong ng babaeng mukhang espasol ang mukha. Parang isang buong cake foundation yata ang ginamit sa mukha nito. “Can’t you see, we’re having some serious talk here? Will you please go out because obviously, you’re interrupting us.”

“With all due respect, I would like to introduce myself m’am. I’m Yvonne, Randell’s girlfriend. And I want to talk to him,” matapang na saad niya.

Noon tumayo ang babaeng mukha talagang espasol ang mukha dahil sa sobrang kaputian. “Then from now on, you’re no longer Randell’s girlfriend. He’s marrying our daughter since he got her pregnant.”

“Pregnant? No, it’s can’t be, ma’am. I’m Randell’s girlfriend.” Nagsimulang gumaralgal ang boses niya. “Randell, sabihin mo sa kanila na ako ang girlfriend mo.”

Lumapit sa kanya ang babeng espasol at dinuro-duro pa siya ng pamaypay nito. “Oh, come on, don’t you know that cheating does exist, dear. Your boyfriend here, cheated on you. He fucked our daughter, got her pregnant so we’re compelling him to marry her. So now, get out!”

Pero hindi siya kayang sindakin nito. Tinabig niya ang babaeng espasol at saka inilang hakbang ang agwat nila ni Randell. Lumuhod siya sa harap nito at saka ginagap ang mga kamay nito. “Let’s get out of here. Hindi mo pakakasalan ang babaeng iyan dahil ako mahal mo, hindi ba? Di ba, my labs?”

Pero nanatiling tikom ang bibig ni Randell at nakita niyang parang namamasa ang mga mata nito.

“Please, don’t do this to me,” pagmamakaawa niya.

“I’m sorry. I’m so sorry.” That was all Randell could mutter in between sobbing.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon