God Gave Me You - 19

908 19 0
                                    

ALDEN



Pagsapit ng hapon ay biglang kumulimlim ang langit hanggang sa tuluyan nan gang bumagsak ang malakas na ulan habang nanonood ako ng tv sa may sala. Si Meng naman ay huli kong nakita sa may kusina na inaayos ang mga pinamili namin. Gusto ko sana siyang tulungan pero pilit niya 'kong tinataboy. At naiintindihan ko namang baka hindi siya kumportable sa presensiya ko habang nagta-trabaho siya kaya pinagbigyan ko na.


Nang tuluyang lumakas ang ulan ay pinatay ko ang tv at pumunta ng kusina para magtimpla ng kape. Napasukan ko si Meng na patapos na sa ginagawa niya.


"May kailangan po kayo, sir?"


Sumandal ako sa kitchen sink habang nakatitig sa kanya. "Gusto ko sana ng kape," sagot ko na hindi inaalis ang pagkakatingin sa dalagang aminado akong gumugulo ng isip ko paminsan-minsan kapag mahihiga na ako sa kama ko pagsapit ng gabi.


"Wait lang po, sir."


Nang banggitin niya ang salitang 'sir' sa ikalawang pagkakataon ay saka lang iyon rumehistro sa utak ko. "It's Alden," paalala ko sa kanya.


Ngumiti naman siya bago kumuha ng dalawang tasa at nagtimpla nga ng kape. Hindi ko rin mapigilang mapangiti nang ma-realize na sasamahan niya akong magkape. Which is a good thing dahil hindi ko na pala siya kailangang yayain na samahan ako sa sala habang hinihintay namin ang pagtila ng ulan.


Pero nang iabot ni Meng ang tasa ng kape ko sa 'kin ay nagpaalam naman siyang papasok sa silid nila. "Doon ko na lang po iinumin 'tong kape ko," aniya na mabilis ko namang sinansala.


"Hmm, Meng?" tawag ko sa kanya nang akmang tatalikod na siya. Mabilis namang nagtama ang mga mata namin.


"Po?"


"Pwede mo ba 'kong samahang mag kape sa sala or sa may veranda siguro?"


Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya. "May gagawin pa kasi—"


"Meng... look, pwede namang mamaya mo na lang gawin ang iba mo pang gagawin. Besides, you really don't have to do those things dahil hindi naman kasama 'yon sa job description mo. Saka dadalawa lang tayo dito sa bahay, hindi ba talaga pwedeng kausapin mo man lang ako?"


Meng gave me a resigned look and later on gave me a sweet smile. "Sige na nga," pagkakuwan ay pag sang-ayon niya.


Magkasabay na nagpunta kami sa veranda. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan na minsan ay sinasabayan pa ng ulan at kidlat. Medyo may kalakihan ang veranda kaya hindi pumapasok ang anggi ng ulan sa 'min.


"Ano'ng naaalala mo kapag umuulan?" mayamaya ay tanong ko kay Meng.


Lumingon muna siya sa 'kin bago muling tumingin sa unahan namin at saka nagsalita. "Marami akong magagandang alaala na may kinalaman ang ulan. Noong bata pa ako, lagi naming inaabangan ng mga kapatid ko ang ulan kasi naliligo kami sa labas ng bahay namin. 'Yong tatapat kami sa alulod ng kaipatbahay namin tapos magpe-pretend kami na shower 'yon. Wala kasi kaming shower sa bahay kaya masaya na kami kapag ganoon," natatawang pagkukwento ni Meng. "Tapos eto, aminado akong medyo bad... pero noong bata ako, lagi kong dinadasal na lumakas ang ulan para ma-cancel ang pasok."


Hindi ko mapigilang matawa dahil sa huling sinabi ni Meng. Nakakainggit ang kabataan niya dahil noong bata ako, ni minsan ay hindi ko naranasang maligo sa ulan. At wala rin akong kapatid hindi katulad ni Meng. I can see in Meng's eyes that she misses her siblings right now.


But on the other hand, natutuwa ako dahil sa ngayon ay nararamdaman kong at ease siyang kausap ako. Normal na normal ang pagsasalita niya at parang hindi na siya naiilang.


"Ikaw, anong naaalala mo kapag umuulan?" mayamaya ay balik tanong naman niya sa 'kin.


Uminom muna 'ko sa kape ko bago sumagot. "Happy memories rin ang naalala ko kapag bumubuhos ang ulan. Nang maghiwalay ang parents ko, umuulan rin n'on."


"Happy memory ba 'yon?" nagtatakang tanong ni Meng.


"Nope. But I was just happy that finally, we can all move on with our lives. Nakakasawa na rin kasing marinig ang pagbabangayan nila sa tuwing umuuwi ng bahay si daddy. Tanggap ko na noon na hindi na sila magiging masaya sa piling ng isa't isa. Mom became unhappy and nagger and dad continued with his numerous affairs with different women. So when they decided to part ways, a part of me was happy kasi alam kong iyon ang mas makakabuti para sa amin. At least wala nang sakitan na magaganap. Although a bigger part of me ay mas nalungkot noon."


"Pero if ever na magkabalikan sila, papayag ka ba? May mga alam kasi ako na matagal na naghiwalay tapos sa huli, nagkabalikan din."


"Kung hindi na sila magkakasakitan, bakit hindi? After all, they're my parents and I do love the both."


Bigla na lang nag-inat si Meng at pagkatapos ay tumingin sa 'kin. "Tama na nga ang kadramahan," aniya. "For once in your life, naranasan mo na bang maligo sa ulan? 'Yong sinasadyang maligo, ha? Hindi 'yong nakaligo ka lang sa ulan dahil biglang bumuhos ang ulan at wala kang dalang payong."


Ngumiti ako sa kanya at saka umiling. "Honestly, hindi pa."


Tumayo siya sa pagkakaupo niya at hinawakan ako sa isang kamay ko. Nang mapatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko ay nagkibit balikat lang siya at hinila ako palabas ng veranda.


"I guess it's about time na ma-experience mo kung ano ang feeling na maligo sa ulan," aniya bago ako tuluyang hinila palabas. Sa lakas ng ulan ay agad na nabasa ang mga damit namin. And I felt a lump in my throat when I saw Meng raised her two arms na para bang ninanamnam niya ang bawat patak ng ulan na dumadampi sa balat niya. Nakigaya ako sa kanya hinila siya papunta sa alulod ng bahay.


Pero bago pa man kami makarating doon ay pinigil na niya ako. "Naku! Huwag mong ituloy ang binabalak mo. Nang lumaki at magkaisip na ako, saka ko lang na-discover na ginagawa palang "comfort room" ng mga ibon at mga pusa ang bubong ng bahay kaya marumi ang tubig diyan," malakas na sigaw niya.


Nang ma gets ko ang sinasabi niya ay napatango na lang ako't itinaas ang tingin sa langit. Agad rin akong napapikit dahil sa pagtama ng ulan sa mata ko. At sa saglit kong pagpikit ay naramdaman kong kinalabit ako ni Meng sa balikat ko. "Taya ka!" parang batang sabi niya bago nagtatakbo palayo sa 'kin.


Mabilis namang hinabol ko siya papunta sa may pool area at ilang saglit pa ay napupuno na ng sigaw at tili ni Meng ang buong paligid. I realized na masarap pala sa pakiramdam ang maligo sa ulan.


At simula sa araw na 'to, may madadagdag na sa magagandang alaala ko na may kinalaman ang ulan. At ito ang araw na 'to. This moment na nakasama ko si Meng habang naghahabulan kami't ninanamnam ang masasayang sandali na tila ba kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo.


Sana hindi na muna tumila ang ulan, naisip ko.


Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon