Oplan - 08

2.6K 49 0
                                    

BANDANG alas-singko y media ay nagpaalam na ang mga kamag-anak niya na mauuna nang umuwi ang mga ito. Dahil sa nangyari sa kanila ni Jarome kanina, bigla ay parang gusto na rin niyang umuwi kasama ng mga ito. Pero tiyak na magtataka ang tita Jaygie niya kaya hindi na lang siya kumibo.

“Huwag kayong maglalaro ng apoy,” paalala pa ng tita niya sa kanila. Dahil kinailangan pa niyang pigilan ang pag-blush niya dahil sa sinabi ng tita niya, si Jarome ang unang nakasagot sa tita niya.

“Don’t worry tita. Lalayo po kami sa bonfire mamaya if ever man po na magkakaroon nga po sila ng bonfire dito,” genuine na tugon ng binata.

 “It’s not what she meant,” bulong niya sa kaibigan.

Huli na nang ma-realize nito ang ibig ipakahulugan nang tita Jaygie niya dahil natatawang sumakay na sa unahan ng truck ang huli. Wala na silang nagawa kundi ang kawayan ang mga ito at ihatid ng tanaw ang papalayong truck.

Umusal siya ng maikling panalangin. Na sana ay ligtas na makauwi ang mga ito.

Dahil papagabi na rin, nagpasya na silang mag check-in ni Jarome. Unfortunately, isang cottage na lang ang available at puno na rin daw ang mga villas kaya wala silang ibang choice kundi magsama sa isang cottage.

“Diyan ka na lang maligo sa banyo. Doon na lang ako sa common bathroom na nakita ko malapit dito.” Kumuha ito ng tuwalya at bihisan mula sa bag na dala nito at saka lumabas.

Mabilisang naligo siya. Sa ilalim ng dutsa ay pilit niyang hinamig ang sarili. Hinayaan niyang anurin ng tubig na nagmumula sa shower ang init na kanina pa niya nararamdaman dahil sa pagkakalapit nila ni Jarome. Sinikap rin niyang kumbinsihin ang sarili na dapat siyang umakto na tila walang nangyari upang hindi na siya kulitin nito tungkol sa bagay nito. I just have to act as if he did not kissed me. Paalala pa niya sa sarili niya bago lumabas ng banyo.

Saktong naisuot na niya ang sundress na napili niya ng muling bumalik ng cottage si Jarome. Nakasuot na ito ng itim na sando at board shorts.

“Gusto mo bang magpahinga muna sandali o dinner na tayo?” tanong sa kanya ni Jarome.

“Dinner na lang tayo. Medyo nagugutom na rin ako, eh,” aniya.

“Tara lets!” Nang masigurong naka-lock ng mabuti ang cottage at nasa bulsa ni Jarome ang susi ay naglakad na sila papunta sa cafeteria ng naturang resort.

May mangilan ngilan grupo na rin silang naabutang naghahapunan. Pinili nila iyon mesa na nasa sulok, malayo sa ibang kostumer. Hinayaan na niyang ang binata ang umorder para sa kanilang dalawa. Habang hinihintay na maluto ang order nila ay nagbukas ito ng topic.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon