Chapter 4

10.5K 216 1
                                    

“Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi ako nambababae? Charm, paulit-ulit na lang tayong ganito. Sa tuwing uuwi ako dito sa bahay, wala ka nang ibang ginawa kundi ang bungangaan ako at akusahan ng kung anu-anong bagay. Kailan mo ba ako bibigyan ng katahimikan?”

Halos mapatid na ang pasensiya ni Randell dahil ganoon lagi ang eksena nilang mag-asawa kapag umuuwi siya sa bahay nila. He was getting tired of their set-up. Kung hindi lang dahil sa batang nasa sinapupunan ni Charm ay matagal na niya itong nilayasan. Matagal na sana siyang nagpakalayo layo.

Sino ba naman ang hindi maba-badtrip dito? Napaka-selosa nito. Hindi lang siya makauwi ng alas-siyete ng gabi ay nakakabuo na ito ng kung anu-anong konklusyon.

“Bakit lagi kang ginagabi ng uwi, Randell? Mas marami ka pang oras sa lintik na opisinang ‘yan kesa dito sa bahay! O baka naman sinasadya mo ‘yun para iwasan ako? Iniiwasan mo ako dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin matanggap na kasal ka na sakin. Dahil hanggang ngayon, mahal mo pa rin si Yvonne!”

Naisabunot niya ang mga daliri niya sa ulo niya. “Enough!” malakas na sigaw niya dito. “You don’t know how much I’ve sacrificed for the past few years, Charm. I gave up the most important girl in my life, iniwan ko ang pamilya ko, nagpaalipin ako sa mga magulang mo sa pamamagitan ng pagpasok sa kompanya niyo. Pero kahit anong gawin ko, may masasabi masasabi pa rin sila na hindi maganda sakin. Mamaliitin pa rin nila ako. You know what, this is nonsense. Paulit-ulit na lang tayong ganito. Nakakapagod, Charm.”

Nakita niya ang paglambong ng mukha nito. “Kaya lang naman ako nagkakaganito dahil mahal na mahal kita, Randell. Ang gusto ko lang naman, umuwi ka ng maaga para hindi ako magmukhang tanga sa kakahintay sayo. At gusto ko lang naman na mahalin mo ako.”

Napailing-iling siya. “It could have been easy for me to love you kung hindi mo ako niloko. But you deceived me, Charm. At ako namang si gago, mabilis na naniwala sayo. Hindi ko alam na pinipikot mo lang pala ako.”

Yes, pinikot lang siya ni Charm. Nang bigla na lang itong pumunta sa bahay nila at nagdeklarang nabuntis niya ito ay nawalan siya ng pagkakataong mag-isip ng matino. Na-intimidate kasi siya sa mga magulang nito lalo na at pine-pressure siya ng mga ito na pakasalan ang anak ng mga ito.

Bago iyon ay nakilala niya si Charm dahil sa isang bago niyang kaibigan. At simula nang magkakilala sila ay lagi na itong nakabuntot sa kanya. Hanggang isang gabi ay nagkayayaan silang gumimik kasama ang grupo nina Charm. Hindi niya alam na naparami ang inom niya ng alak ng gabing iyon. Naggising na lang siya na kasama na niya sa iisang silid ang babae at pareho silang walang mga damit. Pero sa isip niya ay hindi niya matandaan na may nangyari sa kanilang dalawa.

Pero dahil nga sumugod na ito sa bahay nila kasama ang mga magulang nito ay wala siyang choice kundi panagutan ang ‘anak’ diumano nila.

At nang ikasal sila ni Charm, doon nagsimula ang bangungot sa buhay niya. Araw-araw ay ipinamumukha ng mga magulang ni Charm na kasalanan niya kung bakit maagang nasuong sa buhay may asawa ang unica hija ng mga ito. All blame was thrown at him. Pati ang sarili niyang ina ay parang na-disappoint sa kanya. Paano’y gustong-gusto nito si Yvonne para sa kanya.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon