BNKM - 04

3.8K 72 2
                                    

PAULINE'S POV

KINABUKASAN, maaga pa lang ay gising na si Pauline. Gusto niyang mag-almusal ng maaga dahil ayaw niyang makasabay sa pagkain ang lalaking bigla na lang sumulpot sa harap niya kung kailan magbabayad na siya ng bill niya. Wala naman siyang nakitang promo ng resort na nagsasabing may free na meal ang bawat bagong dating na guest. Siguro ay napag-tripan lang siya ng lalaking iyon.

Well, okay, aminado siyang medyo bastos ang naging asal niya sa lalaking iyon kahapon dahil bigla na lang siyang umalis sa harap nito without even saying a word. Maaari naman sana niyang tinanggihan ng maayos ang sinabi nito pero aaminin niyang nawala siya sa tamang huwisyo ng makita niya ang mga mata nito.

He has the most expressive eyes that she has ever seen in her entire life. At natatakot siyang makita nito ang lungkot sa mga mata niya dahil pakiramdam niya ay iyon mismo ang ginagawa nito. Pero kahit saglit lang niyang nabistahan ang mukha ng lalaking iyon kagabi, masasabi niyang magandang lalaki ito. Para pa ngang pamilyar sa kanya ang mga matang iyon. Weird, pero kagabi, nang makaharap niya ang lalaking iyon, pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon. Pero agad din niya iyong iwinaksi sa isip dahil baka kamukha lang nito ang isa sa mga naging crush niya noon.

Aba, marunong ka na pala ‘ulit’ ngayong mag-appreciate ng male specie, tudyo ng isang bahagi ng isip niya. She had stopped appreciating opposite sex since she was in second year college kaya’t hindi niya alam kung bakit kailangan niyang makaramdam ulit ng ganoong feeling ngayon.

Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aalmusal nang makita niyang pumasok sa cafeteria ang lalaking iyon. He looked cool in his get-up. Casual t-shirt, board shorts at tsinelas lang naman ang suot nito pero ang lakas pa rin ng dating nito. The guy probably stands 6’0” na bumagay sa lean nitong pangangatawan. Nang dumako ang tingin nito sa pwesto niya ay agad na nagyuko siya ng ulo.

Bigla siyang kinabahan sa isiping baka nahuli siya nitong pinagmamasdan ang kakisigan nito. Kung bakit ba naman kasi ayaw makisama ng lintik niyang mga mata. Pwede namang ibang bagay ang tingnan ng mga iyon, pero bumabalik at bumabalik pa rin iyon sa gwapong lalaking ngayon ay nararamdaman na niyang papalapit sa direksiyon niya.

“Hi! Good morning! Pwedeng maki-share ng table?” narining ulit niya ang baritonong boses na iyon. Swabeng swabe sa pandinig niya ang boses nito.

Nag-angat siya ng mukha dito at nakita niyang friendly ang smile na ibinibigay nito sa kanya.

“Why?” aniya saka inilibot ang paningin sa loob ng cafeteria. Marami pa namang bakanteng mesa sa loob kaya hindi niya lubos na makuha kung bakit nito gustong maki-share ng table sa kanya.

At bago pa man siya makapag-protesta ay nailapag na nito ang tray na naglalaman ng mga pagkain nito. “Malungkot kumain na mag-isa,” anito. Hinayaan na lang niyang maupo ito sa harap niya. Para siyang maliliyo ng malanghap niya ang amoy nito. Amoy-gwapo! Hindi tuloy mapigilan ng puso niya ang tumibok ng napakabilis.

“Hindi naman malungkot kumain ng mag-isa. I’ve been doing that for almost ten years now,” sabi niya sa mahinang boses pero alam niyang umabot iyon sa pandinig ng lalaki.

“Kung ganun, bakit lungkot ang nababasa ko sa mga mata mo?” he gently asked. “I’m Oliver, by the way,” pagpapakilala nito sa sarili.

“Oliver Moller?” ulit niya sa sinabi nito. Raffy’s brother!

“Paano mo nalaman ang surname ko?” nagtatakang tanong nito sa kanya.

“I’m Pauline Maniquis, best friend ako ni Jenny at friend ko naman ang brother mong si Raffy,” pagpapakilala niya sa sarili.

Maluwag ang ngiting ibinigay nito dahil sa sinabi niya. Napilitan siyang tanggapin ang pakikipagkamay nito. May naramdaman siyang spark sa ilang segundong pagkakadaop ng kanilang mga palad.

“Ah, so it’s you pala. Nice to meet you, Pauline.”

“Same here.”

Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso niya dahil lang sa ngiting iyon na ibinigay sa kanya ni Oliver. Sino ba naman ang hindi? He has the sweetest smile she had ever seen. Hindi sa nagiging OA lang siya, pero talagang maganda itong ngumiti. At saka ngayong kaharap na niya itong kumain, doon niya napatunayang gwapo ito – sobrang gwapo actually!

Para talagang may nakita na niya ito dati pa at hindi niya lang matukoy kung saan.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon