BNKM - 02

4K 73 1
                                    

PAULINE'S POV

AFTER almost four years of working in Citi Bank, ngayon lang magpa-file ng leave si Pauline kaya ganoon na lang ang gulat ng mga ka-opisina niya. A week before Jenny’s wedding ay naka-leave na siya dahil gusto niyang makasama ito ng matagal habang hindi pa ito tuluyang ikinakasal kay Raffy. Alam niya kasing pagkatapos ng kasal ng mga ito ay mababawasan na ang time ni Jenny sa kanya. Ganoon daw kasi ang mga babaeng nagpapamilya, minsan ay nawawalan na ng social life.

So, she decided to take a leave. Tiyak na masosorpresa si Jenny kapag dumating siya sa resort kung saan idadaos ang kasal nito a week before the actual wedding day. Lunes pa lang ay naka-empake na ang lahat ng mga gamit na kakailanganin niya para sa isang linggong pananatili sa beach resort ng kapatid ni Raffy.

Pagkatapos ng malagim na trahedyang kinasangkutan ng pamilya niya sa Thailand mahigit isang dekada na ang nakakaraan, ngayon na lang ulit siya mag i-stay ng medyo matagal sa isang resort. For the past ten years, once a year na lang siya kung magpunta sa kahit na anong resort – tuwing birthday na lang niya.

She looked at the family picture frame na nakapatong sa bedside table niya. Kuha iyon noong bago sila umalis ng parents niya papuntang Thailand kung saan ay binawi ng dagat ang buhay ng mommy at daddy niya. Hanggang ngayon ay nagdudulot pa rin ng lungkot sa kanya ang pangyayaring iyon sa buhay niya. At the age of 14, she instantly became an orphan.

Pinahid niya ang luhang hindi niya namalayang naglandas sa pisngi niya. Sampung taon na ang nakalilipas subalit naroroon pa rin ang sakit sa puso niya.

Bago pa man sumakit ang ulo niya kakaisip ay nagsimula na siyang gumayak. Inilagak niya sa kotse niya ang isang may katamtamang maleta at shoulder bag niya at pagkatapos ay nagsimula na siyang bumiyahe papuntang Laiya, San Juan Batangas – ang venue ng kasal nina Jenny at Raffy.

Sa loob ng mahigit dalawang oras ay narating ni Pauline ang destinasyon niya dahil hindi naman ganoon ka heavy ang traffic. Agad na nakahanap siya ng pwedeng pag parking-an pagdating niya sa Oliver’s Paradise.

Agad na sinalubong siya ng isang naka-unipormeng lalaki na malawak ang pagkakangiti. “Hi ma’am! Welcome to Oliver’s Paradise.” Iniabot niya dito ang maleta niya at saka sumunod dito papunta sa reception area.

“May reservation po kayo ma’am?” nakangiting tanong sa kanya ng babaeng receptionist.

“Wala, miss,” magalang na sagot niya.

“Ma’am, ang available room na lang po namin sa ngayon ay iyong single deluxe po. Would that be okay with you ma’am?” anito at saka inilahad sa kanya ang presyo.

“That would be fine.” After siyang kunan ng ID ng receptionist ay inihatid na siya ng houseboy sa silid niya. Nagpasalamat siya dito at agad na pumasok sa loob. Gusto muna niyang magpahinga dahil napagod siya sa pagda-drive.

Matapos ilipat sa cabinet ang mga bihisan at ilang gamit niya ay nahiga na siya sa kama. Malambot ang kama at nag-aanyaya iyon ng masarap na pagtulog.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon