God Gave Me You - 11

1K 23 0
                                    

MENG



Nagpasalamat ako sa mga kaibigan nina Alden at Derick na talaga namang naging magiliw ang pagtanggap sa 'kin. They're all nice at walang kaere-ere sa katawan. Nauna na akong magpaalam dahil mukhang matatagalan pa sila sa pagba-bonding nila.


"Thank you so much, guys. Pero mauna na 'kong umakyat sa inyo. May lalakarin pa kasi ako bukas ng umaga," paalam ko sa kanila nang nakangiti. Bineso naman ako ng mga girls habang ang mga boys ay tinanguan ako.


"I'll see you around, Meng," narinig kong sabi ni Derick bago pa 'ko makatalikod. Naramdaman ko namang sumunod sa 'kin si Alden.


"Hatid na kita sa unit mo," Alden said in a calm voice.


Bahagya akong lumingon sa kanya at ngumiti. Kahit papaano ay magaan na ang loob ko sa kanya bagama't medyo nawiwirduhan ako sa ikinikilos niya. "Huwag na, Alden. Kaya ko namang umakyat. Saka diyan lang ako, oh," sabi ko sabay turo sa tower two.


"Kahit na. Ihahatid pa rin kita," giit ng binata na hindi ko na lang kinontra pa. 'Di sige, pagbigyan ang lolo niyo.


Tahimik kaming dalawa habang nasa loob kami ng elevator. Pero nararamdaman kong panay ang sulyap sa 'kin ni Alden. Pagbukas ng elevator sa sixth floor ay nauna akong lumabas kasunod ang binata.


Pagtapat namin sa pinto ng unit na tinutuluyan namin ay hinarap ko na siya. "So I'm here. Thank you so much sa pag-invite sa akin kanina na maki-join sa group niyo. And thank you rin sa paghahatid sa akin ngayon," sincere na saad ko sa kanya.


"You're welcome, Meng," nakangiting sagot ni Alden na hindi pa rin tumitinag sa kinatatayuan niya. I was actually expecting him to say goodbye na para makapasok na 'ko sa loob. Mayamaya ay tila may naisip ang binata. "Can I use your bathroom? Kanina pa kasi 'ko ihing-ihi," aniyang humawak pa sa tiyan to emphasize what he had just said.


Binuksan ko na ang pinto gamit ang susing hawak ko at inimbitahan siyang pumasok. Alangan namang tanggihan ko siyang maki-CR, 'di ba? "'Yan ang CR," turo ko sa kanya sa unang pinto na katapat naman ng kitchen area.


"Thanks."


Habang nasa loob ng CR si Alden ay kumuha naman ako ng damit at tuwalya para makaligo na agad ako 'pag alis niya. Pero hindi ko pa pala agad magagawa 'yon dahil paglabas ni Alden ng CR ay isang request na naman ang hiningi niya.


"Pwedeng maki-kape?" tanong niya na sa medyo unsure na tono. "Kanina pa kasi ako nilalamig," aniyang hinimas-himas pa ang magkabilang braso.


Napalatak ako dahil sa sinabi niya. "Ayan kasi, may pahubad-hubad pang nalalaman," kunwa'y pagbubusa ko sa kanya habang kumukuha ng tasa sa lalagyan ng mga baso. Sinalinan ko ng mainit na tubig ang tasa at inabot iyon kay Alden. "Hayun ang kape't asukal. Ikaw na lang ang magtimpla ng kape mo at hindi ko alam kung ano'ng lasa ang gusto mo."


Pero inilapag lang niya ang tasa sa mesa at pahalukipkip na naupo sa isang upuan. "Ikaw na lang ang magtimpla. Tinatanggap naman ng tiyan ko kahit anong lasa ng kape basta huwag lang masyadong mapait."

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon