Oplan - 14

2.3K 50 0
                                    

“HELLO? O, nasaan na kayo? Ganun ba? Okay, sige ite-text ko sa inyo kung anong floor at room ang unit ko. Ingat, ba-bye!” Inilapag sa mesa ni Ericka ang celphone matapos i-send ang mensahe kay Randel na siya ring kausap niya kani-kanina lang.

Tatlong araw na niyang hindi nakikita si Jarome. At alam niyang sadyang iniiwasan siya nito. Sa ginagawa nito ay hindi niya maisasakatuparan ang mga balak kaya’t nag-isip siya ng paraan para muling mapalapit dito. Pinakiusapan niya ang tres-Marias – sina Randel, Rubie at Joyce, para lumuwas ng Maynila para ‘magbakasyon’. Sa unit niya mag-i-stay ang tatlo habang ‘nagbabakasyon’ ang mga ito. Sagot din niya ang lahat ng gastos. After all, it was all her plan.

Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng katok sa pinto. Ang masasayang mukha ng tres-Marias ang bumungad sa kanya pagbukas niya ng pinto. Nagyakapan silang tatlo habang si Randel ay nagtititili pa.

“I’m glad at pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko.”

“Oo naman. Na-miss ka kaya naming, cousin. Besides, sino ba naman kami para tumanggi sa libreng bakasyon?” nakatikwas ang kilay na saad nito.

“Corrected by!” sang-ayon pa ni Joyce. “Ang ganda pala dito, ano? Ang akala ko ay exaggerated lang ang mga nakikita ko sa magazines kung saan na-feature ang lugar na ito. Napakaganda pala talaga dito,” palatak pa nito.

Si Rubie na siyang pinakamatanda sa tatlo ang siyang nag-urirat kung bakit bigla bigla ay pinapunta niya ang mga ito.

“Actually, ganito kasi iyon. Remember Jarome?” nang makitang tumango ang mga ito ay nagpatuloy siya sa paglalahad ng predikamento niya. “Hindi niya ako masyadong pinapansin simula nang dumating ako galing ng New York.  Malapit na siyang ikasal, and I need to do something para matigil ang kasal nito.”

Eksaheradang natutop ni randel ang bibig nito. “In love ka sa male best friend mo?”

Nahihiyang tumango siya sa mga ito. There’s no point of denying that fact. At sa sitwasyong niyang iyon, kailangan niya ng mga kakampi. At alam niyang tutulungan siya ng mga ito. Para ano pa’t naging magpipinsan sila.

“Since when ka pa na-inlababu kay Jarome?” tanong ni Joyce.

Napabuntunghininga siya. Siguro matagal na panahon na rin, pero ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang damdamin na ‘to.”

Yikez! Ang cheeezzy mo, couz!” panunukso sa kanya ni Randel.

“So, ano ang participation naming sa OPLAN: BAWIIN ANG PUSO NI JAROME?” hindi niya napigilan ang mapangiti sa tanong na iyon ni Rubie.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon