Chapter 2

13.8K 243 9
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Yvonne decided to take up Journalism at San Carlos University. And in a span of few months, she gained new friends and acquaintances. Pero sa kabila niyon, hindi pa rin mawala sa puso niya ang pangungulila kay Randell. She was missing him terribly.

Kamusta na kaya ito? Saang school kaya siya nag-aaral? Okay lang kaya siya? Ilan lang iyon sa mga tanong na lagi na lang pumapasok sa isip niya.

At nang matapos ang unang sem nila ay nagpasya siyang lumuwas ng Maynila. Paano’y naging madalang na ang komunikasyon nila ni Randell. Bihira na itong mag-text sa kanya at kung minsan ay hindi na rin nito nagagawang sagutin ang mga tawag niya. At dahil sa mga pangyayaring iyon, nagsimulang mabuhay ang takot sa dibdib niya.

Paano kung may iba na itong kinalolokohan sa Maynila? Paano kung nakahanap na ito ng bagong babaeng ipapalit sa kanya sa bagong school nito?

“Ate Sonia, pupunta akong Maynila bukas. Early in the morning ang flight ko at baka sa Martes na po ang uwi ko,” aniya sa katulong isang hapon pagkagaling niya sa school.

“Aba’y paano kapag tumawag ang mommy at daddy mo? Anong sasabihin ko kapag tinanong nila kung anong ginagawa mo sa Maynila?”

“Tatawagan ko na lang po sila bukas pagkarating ko ng Maynila,” tugon niya.

“Aba’y mag-iingat ka doon. Maraming loko-loko sa Maynila, hija. Baka kung mapaano ka.”

“Ate Sonia naman. Big girl na ako. Malapit na nga akong mag-eighteen.”

Napaisip ang mayordoma nila. “Oo nga, ano? Tatlong buwan na lang at kaarawan mo na. Magiging isa ka nang ganap na dalaga.”

Nginitian niya lang ang ito at saka nagpasintabing pupunta siya sa kwarto niya para siguraduhing wala siyang maiiwang gamit para sa travel niya. Excited na siyang makita si Randell dahil halos pitong buwan rin silang hindi nagkita. Excited rin kaya itong makita siya ulit? Bukas na bukas ay malalaman niya ang sagot sa mga tanong na matagal nang naglalaro sa isip niya.

 * * * * *

SA ISANG masikip na eskinita huminto ang taxi na sinasakyan ni Yvonne. Napatingin siya sa paligid. Maraming bata ang naglalaro sa kalsada kahit tirik na tirik ang araw. May namataan din siyang mga tambay na nagkukuta sa harap ng isang tindahan.

“Ma’am, ito na po yung address na nakasulat sa papel ninyo.” Doon lang parang natauhan si Yvonne. Nagbayad na siya at saka bumaba ng taxi.

Kipkip niya ang shoulder bag niya at sa isang kamay naman niya ay hila-hila niya ang may kaliitan niyang maleta na naglalaman ng mga damit niya.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon