Oplan - 16

2.4K 49 1
                                    

GABI na nang makarating sa Matabungkay Resort sina Ericka. Sukbit ang kanya-kanyang backpack ay naglakad sila papunta sa reception area kung saan isang masayahing receptionist ang sumalabong sa kanila. Sinabi dito ng binata ang cottage reservation nito.

“Gusto mo bang kumuha pa ako ng isang cottage para sa iyo?” narinig niyang tanong sa kanya ni Jarome. Biglang gumana ang utak niya. Kung kukuha pa ito ng isang cottage para sa kanya, mahihirapan siyang isagawa ang balak niya.

Magawa nga kaya niyang akitin si Jarome kapag nagkaroon siya ng pagkakataon? Ah! Bahala na ang kapalaran!

“H-huwag na. Share na lang tayo sa isang r-room,” hindi niya alam kung nahalata nito ang bahagya niyang pag-stammer.

“Okay.”

Maya-maya pa ay inabot na ng receptionist ang susi ng cottage na ookopahin nila. Pinasamahan sila ng receptionist sa isang tauhan ng resort.

Ipinasok lang nila ang mga bag nila sa cottage at agad na niyaya siya ng binata na maglakad lakad sa dalampasigan.

Buhay na buhay pa ring ang resort na iyon kahit malapit nang mag-alas nuwebe ng gabi. May mangilan ngilang floating cottages na nakita siya sa may di kalayuan sa pampang. Mayroong mga kabataang naglalaro ng beach volleyball at may nakita din silang isang pamilya na nag-iinuman sa buhanginan.

The place was beautiful. Lalo na at magkahawak kamay silang naglalakad ni Jarome sa ilalim ng mga bituin. Sa tuwing magtatama ang mga nila ay isang ngiti ang ibinibigay nila sa isa’t isa. Nahiling niyang sana ay wala itong Antonette sa buhay nito at malaya siyang mahalin ito.

Hindi ba’t iyon naman talaga ang plano mo? Ang bawiin ang puso ni Jarome nang sa gayon ay tuluyan na siyang maging sayo? Paalala ng isang bahagi ng isip niya.

Tama. Hindi pa tapos ang laban. Maaaring pagkatapos ng tatlong araw na pananatili nila sa Batangas ay magbago ang lahat. Hindi masamang umasam, lalo na at kaligayahan niya ang nakataya doon.

Tumuloy sila sa isang Pinoy restaurant at doon sila naghapunan. At dahil masyado pang maaga para bumalik sila sa cottage para magpahinga, niyaya siya ng binata na pumunta sa disco house na nasa itaas lang ng restaurant na iyon.

“Hindi kaya mapuyat ka bukas?” kahit gusto niyang magdisco ay ayaw naman niyang makompromiso ang lakad nitong iyon. Jarome is there for a project. At ayaw niyang siya pa ang maging dahilan para hindi maging positibo ang kalalabasan ng proyekto nitong iyon.

Pero balewalang inignora nito ang sinabi niya. Hinila na siya nito paakyat sa hagdan papunta sa disco house. “It’s okay. Hindi naman tayo magtatagal. We’ll just have some fun,” narinig pa niyang sabi nito bago sila pumasok sa maingay na lugar na iyon. Hindi iyon jam-packed gaya ng inaasahan niya kaya’t kahit papaano ay may napwestuhan pa sila.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon