BNKM - 19

2.5K 57 0
                                    

PAULINE'S POV

NAGTATALO ang isip ni Pauline kung alin sa dalawang brand ng powder soap ang bibilhin niya ng maramdaman niyang may kumalabit sa kanya.

Nalingunan niya ang isang matangkad na gwapong lalaki. Pamilyar ang mukha nito sa kanya.

“Neil Quinn.” Pagpapakilala nito sa sarili. “Hindi mo na ba ako natatandaan?” nakangiting tanong ng lalaking kaharap niya.

Wala sa sariling napatangu-tango siya. “Yeah, natatandaan kita. Hindi ba’t sa San Beda ka rin nag-aral? Ahead ka sa akin ng three years at member ka ng volleyball team noon, tama ba?”

“Matalas pa rin pala ang memory mo. But you forgot to mention na magkapitbahay tayo noon.”

Napatango siya dahil sa sinabi nito. Kapitbahay nga nila ito noon at ka-teammate naman nito si Oliver sa volleyball. Hindi sila close pero nakakapag-usap naman sila kahit papaano lalo na kung may family event ang mga ito at iniimbitahan siya. At naaalala niya, minsan din ay nag set ito ng blind date na para sa kanya at sa isa sa mga kaibigan diumano nito.

Hindi siya nakarating sa blind date na iyon dahil nagkaroon sila ng biglaang project sa isang major subject nila. Natatandaan pa nga niyang kinailangan pa niyang mag-overnight kanila Jamie para lang maihabol nila sa deadline ang naturang project.

Mula sa likod ni Neil ay may nakita siyang isang magandang babae na may hawak na baby girl na sa tingin niya ay two to three years old pa lang. Ipinakilala siya nito sa mga bagong dating.

“By the way, this is Angela, my wife. And this is our first baby, Amber,” pakilala nito sa mag-ina nito. Magiliw na nginitian niya si Angela na mukha namang mabait. “How about you, nag-asawa ka na ba?”

Umiling siya sa tanong nito. Muntikan na sana akong mag-asawa. Kaso nahuli ako ng dating. Gusto niya sanang idugtong iyon pero nagpigil siya.

“Hindi ka pa rin nakakapag move-on?” asiwang tanong nito sa kanya. Aware ito sa nangyari sa parents niya. Marahil ay iniisip nitong ang pangyayari sa Thailand ang siyang dahilan kung bakit hindi pa rin siya nag-aasawa o nagbo-boyfriend man lang. Well, she had to admit that it was partly true.

“Nakapag move-on na ako. Hindi pa lang talaga ako nakakakita ng lalaking pakakasalan ko,” sabi na lang niya.

Kung hindi pa nag-alboroto ang anak nitong si Amber ay malamang na napatagal pa ang pag-uusap nila. Hiningi na lang nito ang number niya dahil iimbitahan daw siya nito sa birthday ng anak nito. Nalaman din niyang nagtrabaho pa la itong engineer abroad kaya ilang taon rin niya itong hindi nakita.

Pagkatapos niyon ay naghiwalay na sila ng mga landas.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon