Oplan - 10

2.2K 42 3
                                    

GRADUATION DAY. Kakatapos lang ng graduation day nina Jarome at Ericka. Sa wakas ay nagbunga na rin ang apat na taong pagsisikap nila sa kolehiyo. Personal siyang inimbitahan ng mga magulang ni Jarome upang i-celebrate ang pagtatapos nilang iyon. Bagay na hindi niya magawang tanggihan. Double celebration din kasi iyon dahil Cum Laude ng magtapos si Jarome.

Matapos makapagpaalam sa kanilang mga kaklase ay tumuloy sila sa isang fine dining restaurant. Apat lang sila dahil hindi diumano nakauwi ng Pilipinas ang ate Jindy ni Jarome dahil maselan ang pagbubuntis nito. Ang kuya Jonas naman nito ay missing in action pa din.

 Gusto sana ng mga magulang ng binata na isang magarbong party ang isagawa sa malawak na hardin ng mga ito sa Cavite sa araw ng kanilang pagtatapos. Subalit tinanggihan iyon ng binata. Mas gusto daw nito ng simpleng selebrasyon lang.

At dahil ang sabi noon ni Jarome ay ang kotseng nitong BMW ang regalo ng parents nito para sa graduation day nito, nagtaka siya ng pareho silang abutan ng regalo ng mommy nito. Hindi niya ini-expect na maging siya ay reregaluhan ng mga ito. Ilang beses pa lang naman niya kasing nakakasalamuha ang mga ito. Iyon ay kapag dinadala siya ng kaibigan sa ilang family gathering ng pamilya nito.

“Maraming salamat po, tita Cecil at tito Usmond,” bukal sa pusong sabi niya sa mag-asawa.

“Hindi na kami masyadong nakapag-isip ng ireregalo sa inyo kaya minarapat na lang namin na pareho ang ibigay sa inyo. Go, open it,” masayang sabi ng mommy ni Jarome.

Magkasabay nga na binuksan nila ang mga regalo sa kanila. Tumambad sa kanila ang pinakabagong modelo ng iPhone na alam niyang kalalabas pa lang sa market.

“Maraming salamat po ulit,” aniya.

“You’re welcome, hija.”

Nang matapos ang hapunang iyon ay nagpaalam na ang mga magulang ni Jarome na mauuna na ang mga ito. Inihatid pa nila ang mga ito sa parking lot bago niya ito niyaya sa kotse nito.

“Saan tayo? Your place or my place?” may himig panunudyong tanong ng binata sa kanya.

“Heh! Tigilan mo ko,” kunwari ay singhal niya dito. “Sa Sonja’s cupcake house na lang tayo. I’m expecting someone.” Ikinuwento niya rito na nakatanggap siya two weeks ago ng email mula sa childhood best friend niyang si Antonette. Ayon sa huli ay pauwi na ito dahil tapos na rin ang graduation nito kaya balak nilang magkita na magkaibigan after her graduation. Ang Sonja’s nga ang napagkasunduan nilang meeting place.

“Ang akala ko pa naman ay masosolo na kita tonight,” pilyo itong ngumiti sa kanya at saka pinasibad ang kotse nito palayo sa lugar na iyon. After almost half hour ay narating nila destinasyon.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon