BNKM - 09

2.9K 66 1
                                    

OLIVER'S POV

“SERYOSO? Wala ka talagang crush na Hollywood stars?” Hindi pa rin kumbinsido si Oliver sa naging sagot na iyon ni Pauline. Lahat ng kakilala niyang babae ay kung hindi si Brad Pitt, Tom Cruise ay si Robert Pattinson ang crush. May iba na local celebrities ang crush pero hindi pu-pwedeng wala. Tapos itong si Pauline, walang crush? Imposible.

“Wala nga akong crush. Hindi ako basta-bastang nag-a-idolize ng mga artista. Ikaw ba, sino ang crush mo?”

“Jennifer Lawrence,” sagot niya sa dalaga.

“Iyong bidang babae sa Hunger Games at Silver Linings?”

Natawa siya dito. Pareho naman kasing tama ang hula nito pero parang hindi ito sigurado. “In fairness, updated ka naman pala sa mga movies kahit wala kang crush na Hollywood actor.”

“Can we change the topic? Pakiramdam ko tuloy alien ako kasi wala akong crush,” natatawang saad ng dalaga. Natutuwa siyang makita na madalas na niya itong makitang nakatawa o di kaya’y naka-smile hindi katulad noong una niya itong makita sa resort na parang laging seryoso sa buhay.

“Okay sige, sino na lang ang favourite mong author?” Sumipsip siya sa kape niya. Ganoon din ang ginawa ng dalaga bago sumagot sa tanong niya.

“Martha Cecilia, Camilla, Rose Tan, Sheena Rose and Angel Bautista,” nakangiting sagot nito.

Napakamot siya sa ulo niya. Hindi niya yata kilala ang mga isinagot nito. “Hindi ko yata sila kilala?”

Tawa ito ng tawa na ikina-amuse naman niya. “Malamang! Tagalog Romance writers sila kaya malamang talaga na hindi mo sila kilala. Pwera na lang kung nagbabasa ka ng mga ganoong books.”

“Ah, kaya naman pala. Pero alam mo, parang hindi ikaw iyong tipo na nagbabasa ng mga ganoong babasahin.”

Nagkibit ito ng balikat. “Nagbabasa rin naman ako ng foreign paperback kaso ngayong nagwo-work na ako, nahilig ako sa Tagalog pocketbooks. Ganito yata talaga kapag walang love life at matumal ang social life. Pero in fairness, maganda yung mga nababasa ko. May nakakatawa, may nakakaiyak at meron ding nakakainis. But all in all, it’s nice. I guess you should try.”

Umikot sa libro, movies, politics at travelling ang naging usapan nila ni Pauline ng gabing iyon. Hindi na nila namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Natuklasan niya sa sariling maganda palang ka kwentuhan ang dalaga. Hindi limitado ang kaalaman nito tungkol sa isang bagay. Ang totoo’y napakarami nitong opinion tungkol sa mga bagay na nakapaligid dito.

At sa tuwing magtatama ang mga mata nila, pakiramdam niya ay lalong nadaragdagan ang paghanga niya dito. Lalong lumalakas ang atraksiyong nararamdaman niya para sa dalaga. At alam niyang hindi lang iyon simpleng pisikal na atraksiyon. Malalim ang atraksiyong nararamdaman niya para sa dalaga – something na hindi niya mabigyan ng pangalan. Ang alam lang niya ay masarap sa pakiramdam ang nararamdam niyang iyon.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon