BNKM - 31

4.5K 172 8
                                    

PAULINE'S POV

“Hindi ba at bukas pa ang araw ng dalaw mo?” sita niya kay Oliver na ngayon ay prente nang nakaupo sa sofa niya. Seryoso ang mukha nito at alam niya kung bakit. Dahil iyon kay Raymond.

“Sino ba yung lalaking ‘yun?” naiiritang tanong nito.

“Ako ang naunang magtanong sa iyo, mister.” Pigil pigil niya ang matawa. Paano naman kasi ay halatang nagseselos ito.

Sinulyapan siya nito. “Kasi na-miss kita. Hindi na ako makapaghintay ng bukas kaya pumunta ako dito, satisfied?” masungit na sagot nito sa kanya.

“Eh ba’t ang sungit mo?” kunwari ay sikmat niya dito. Ang cute pala nitong magselos. Halos lumaki na ang butas ng ilong nito.

“Eh sino nga kasi ‘yung lalaking iyon?”

“Manliligaw ko rin.” Pero binasted ko na dahil sa iyo, gusto sana niyang idugtong. Pero gusto muna niyang alamin pa ang reaksiyon nito.

Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nangyari pero namalayan na lang niyang nakakulong na siya sa matitipunong bisig ni Oliver. “Hindi ako makahinga,” daing niya sa tapat ng mukha nito. Hindi niya naiwasang mapatitig sa mapupula nitong labi na bahagya pang kumibot-kibot.

“Hindi ka na dapat tumatanggap ng ibang manliligaw kasi nililigawan na kita. Kung gusto mong makatanggap ng maraming flowers at chocolates, sabihin mo lang sa akin. Basta ayokong nakikitang nagpapaligaw ka sa iba.”

Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. “Aba! Hindi pa nga kita sinasagot bilang boyfriend ko, nagiging possessive ka na.”

“Talagang possessive ako. Ayokong may kahati ako sa mga bagay na pagmamay-ari ko, lalo na ikaw, alam mo ba iyon?” he gently said.

Tumangu-tango siya. “Alam ko na po ngayon. Well, pwede bang pakawalan mo na ako? Nahihirapan akong huminga.”

“Not yet,” anitong matamang nakatitig sa mga mata niya. “I’m going to kiss you, Pau.” Hindi niya nahimigang humihingi ito ng permiso. More of ipinapaalam lang nito sa kanya ang bagay na gusto nitong gawin sa kanya.

“Huwag…” bahagya lang iyong nanulas sa bibig niya. Kulang na kulang iyon sa kumbiksiyon.

“I can’t stop my self now.”

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon