Oplan - 01

5.6K 69 0
                                    

Cool na cool na pumasok ng room nila si Ericka kahit na nga ba nagsisimula nang mag-lecture sa harap ng klase si Professor Eugenio. She was ten minutes late for her class dahil nahirapan siyang mag-decide kung ano ang susuotin niya sa araw na iyon. It was first day of class and her last semester in college.

Paupo na sana siya ng bigla siyang tawagin ng Professor nila.

“Ms. Scholobom?”

Hinarap niya ito at binigyan ito ng isa sa napakatamis niyang smile. “Yes, sir?”

“Can you please take off your hat and your shades? Baka nakakalimutan mong nasa classroom ka at wala sa isang fashion show.” Awtomatikong nabaling sa kanya ang tingin ng mga kaklase niya. She’s wearing a leopard printed sleeveless paired with a skinny jeans and red stiletto. Modelong modelo ang dating niya sa suot niyang iyon. Well, hindi naman dahil sa part-time model siya kung kaya parating parang a-attend ng fashion show ang ayos niya.

It’s just that, at an early age ay sinanay siya ng mommy niya na maging palaayos para daw maging presentable siya sa paningin ng ibang tao. Nang nabubuhay pa ang mommy niya ay naging obsession na nito ang bihisan siya. Palibhasa ay only daughter siya nito. In her twenty years of existence, tanging sa pictures pa lang niya nakita ang German niyang ama. According to her mother, who died a year ago, nakilala nito ang father niya sa isang pagtitipon sa kumpanyang pinagtratrabahuan nito kung saan guest speaker ang father niya. They instantly fell in love with each other. Pero bigla na lang daw umalis ng bansa ang father niya nang hindi man lang nasasabi ng mommy niya na buntis nga ito sa kanya. Napailing siya sa kanyang naisip.

“Oh, that, sir. Sure. No problem,” aniya at saka tinanggal ang summer hat niya at sunglasses. Tahimik na naupo siya sa silyang katabi ni Jarome, her college male close friend slash secret crush.

Hindi pa man nag-iinit ang pwet niya sa upuan ay naramdaman niya ng sikuhin siya ni Jarome. Hobby na nitong kulitin siya kahit na nagkaklase sila.

“Bakit?” sikmat niya rito. Napansin niyang mataman itong nakatitig sa mga labi niya. Kung hindi lang niya alam na magkaibigan sila ay iisipin niyang may pagnanasa ito sa kanya base sa pagkakatitig nito sa mga labi niya.

“Ang kapal ng lipstick mo. Sobrang pula ng lips mo,” seryosong puna nito sa kanya.

She just shrugged. “Blame Anne Curtis.”

Alam na alam nitong idol niya ang naturang aktres. Mula fashion taste hanggang sa product endorsements ni Anne ay ginagamit rin niya. Super fan siya ng Showtime host. Nagkunwari na lang siyang nakikinig sa professor nila. Hindi na rin siya kinulit pa nito.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon