God Gave Me You - 10

1.1K 34 0
                                    

ALDEN



Matapos mag banyo ay agad na bumalik rin ako sa pool area kung saan nagkakasiyahan nga kaming magkakaibigan. I'm so glad na kahit papaano ay nakakapag-usap na ulit kami ni Louise nang walang ilangan. I've learned na may bago na pala siyang boyfriend na isang Canadian citizen. And I'm truly happy for her.


Pagbalik ko sa gazebo ay napansin kong wala na si Derick na kanina lang ay kakwentuhan ko tungkol sa bago niyang career. Derick is now into showbiz. Kukuha na lang sana ako ng barbecue nang mapansin ko ang dalawang taong nasa kabilang dulo ng pool na naghahabulan at halatang naghaharutan.


Agad kong namukhaan na si Derick ang lalaking iyon. But the girl... ilang beses pa akong kumurap dahil pamilyar sa akin ang babae. Pero impossible, eh. Paanong mangyayari na nandito siya?


Pero sa pagpihit ng babae ay nahinuha kong tama ang hinala ko. It was indeed Maine. Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay naglalakad na 'ko palapit sa kanilang dalawa. Seryoso ang mukha ko habang nasa loob ng bulsa ang dalawang kamay ko.


Nang ilang dipa na lang ang layo ko kanila Derick at Maine ay tumigil ako't buong kaseryosohang pinagmasdan silang dalawa. Si Maine unang natigilan sa ginagawang pagtakbo palayo kay Derick at saka tumingin sa direksiyon. Sa pagtama ng mga mata namin ay nakita ko ang pagkunot ng noo niya.


Sinikap ko namang ngumiti at alisin ang inis na nag-uumpisang umahon sa dibdib ko. "Hi," nakangiting bati ko sa kanya na mas lalo pang lumapit sa edge ng pool.


"Hello," narinig kong ganting-bati niya. "Nandito ka rin pala?"


Noon naman sumingit si Derick. "Wait, magkakilala kayong dalawa?"


"Yes, pare," sagot ko na para bang matagal na kaming magkakilala ni Maine. "He's actually a new friend of mine," hindi napigilang naibulalas ko bago pa man makapag-react ang dalaga. I did that because I want to send a message to Derick that Maine is mine.


Mukhang agad namang nakuha ni Derick ang mensahe at nagpaalam rin siya mayamaya na babalik muna sa mga kaibigan namin. Naiwan kaming dalawa ni Maine. Lumangoy si Maine papunta sa gilid ng pool habang ako naman ay inilublob ang paa sa tubig.


"Alam ko nagtataka ka kung ano ang ginagawa ko dito," umpisa ni Meng. "Just to make it clear, hindi ako mayaman at lalong hindi ko afford na tumira dito. Pinatira lang ako ng pinsan ko sa unit niya habang nandito ako dahil nasa probinsiya naman siya," pag e-explain ng dalaga.


"Bakit naghaharutan kayo ni Derick?"


Incredulous na tumingin siya sa 'kin. "Naghaharutan?" magkasalubong ang kilay na tanong niya. "Nagkakasiyahan lang kami. Saka he's nice kasi nilapitan niya ako para makipag kaibigan."


"Nice rin naman ako, ah. In fact, kung kanina ko pa nalamang nandito ka pala, baka hindi ka na nagawang lapitan ni Derick," saad ko sa seryosong boses. And it's true. I wouldn't let anyone go near her because I want her to be just mine. Ang weird dahil hindi ko pa naman masyadong kilala si Meng nakakaramdam na agad ako ng ganito.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon