God Gave Me You - 12

1K 20 0
                                    

LOLA NIDORA



Nagche-check ako ng Instagram at Twitter ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Nang sulyapan ko ang monitor ng CCTV ay nakita kong si Belen ang kumakatok—my newly hired caregiver.


Sa halip na patuluyin siya ay ipinasak ko ang earphones sa tenga ko at nagkunwaring wala akong narinig. Ipinagpatuloy ko ang pagba-browse sa newsfeed ng Instagram ko. Actually ay kanina pa ako pabalik-balik sa profile ni Kirst. My handsome baby Kirst.


Mayamaya lang ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko si inday at Belen. I made a mental note na kunin ang duplicate key ng kwarto ko kay inday. Imperteninteng muchacha!


"Ooops!" pigil ko sa akmang pagpasok ni Belen na may bitbit na tray ng pagkain. Breakfast time na kasi.


"Pinapasok ba kita?" masungit na sita ko sa kanya. "Hindi 'di ba?"


"P-pero ma'am—"


"Senyora!" biglang putol ko sa sinasabi niya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na senyora ang itawag mo sa 'kin! Huwag kang tonta!" bulyaw ko sa kanya. Bahagya lang nanginig sa takot si Belen pero nagpatuloy pa rin sa pagpasok sa kwarto ko. Mukhang mahigpit ang pagkakabilin sa kanya ni Alden. Pwes.


Inilapag ni Belen ang tray sa ibabaw ng mahogany table habang in-off ko naman ang phone ko at saka nameywang sa chakang caregiver. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang ito ang ipinili ni Alden sa halip na si Kirst ko.


"Kailangan niyo pong ubusing kainin ang mga 'to senyora. Then after po ay iinom na kayo ng gamot niyo sa—"


"Stop! Paulit-uli na lang 'yang dialogue mo. Naririndi na ang tenga ko. Yes, I'll eat that at iinom din ako ng gamot ko. But first, kunin mo ang ballpen at papel na nasa ibabaw ng table ko." Mabilis namang kinuha ni Belen ang iniuutos at inabot sa akin. "No, you keep them at ilista mo ang mga babanggitin ko at bilhin mo mamaya pagkalabas na pagkalabas mo ng kwartong 'to."


"Yes, senyora," sagot ng chakang caregiver.


Nag-isip ako ng mga ipapabili ko sa kanya. "Hmmm, isang balot ng Tattoos 'yong tig pipiso kasi masarap 'yon." Napaawang naman ang bibig ni Belen dahil sa sinabi ko. Mukhang hindi makapaniwala sa pinapabili ko. "Ilista mo, tonta!" sigaw ko sa kanya.


Mabilis namang sumunod si Belen at inilista ang pinapabili ko sa papel na hawak niya.


"Ibili mo rin ako ng tig-iisang kilo ng grapes, strawberry, mangga, lanzones, rambutan at bayabas."


Nang matapos maglista ay tumingin sa akin si Wanda. "'Yon lang po senyora?"


"Ayy, idagdag mo pala diyan—isang balot ng Odong," sabi ko.


Napatikwas ang kilay ni Belen. "Ano'ng Odong senyora?" clueless na tanong niya.


Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon