BNKM - 01

7.1K 97 0
                                    

PAULINE'S POV

“Beach wedding?” bahagya lang iyong nanulas sa bibig ni Pauline. Parang biglang sumakit ang ulo niya at gustong magdilim ng paningin niya dahil sa sinabing iyon ng kaibigan niyang si Jenny. Kaka-out lang niya mula sa bangkong pinagtatrabahuan niya kung saan ay HR Supervisor siya. She’s only twenty four but she’s already at a prime position. No doubt na namana niya ang galing ng daddy niya na vice-president ng isa sa pinakamalaking bangko sa Pilipinas noon.

“Pau, it’s ‘gonna be okay. Hindi mo naman kailangang mag-stay ng matagal sa resort. You just have to show up on the day of my wedding day kasi hindi pu-pwedeng wala akong maid of honor sa araw na iyon,” maagap naman na sagot ni Jenny. Pinisil pa nito ang isang kamay niya at saka siya nginitian.

“Oo na,” nakangiting turan niya dito. She had no choice. Hindi siya pwedeng tumanggi sa best friend niya na parang tunay na kapatid na rin ang turing sa kanya. “What happened ba kasi? Ang akala ko ba ay church wedding na ang napag-usapan niyo ni Raffy? Bakit ngayon ay biglaan naman yata ang change of plans niyo?” hindi niya naiwasang mag-usisa dito. Raffy was Jenny’s long time boyfriend. Sa pagkakatanda niya ay limang taon nang mag-boyfriend ang mga ito bago nag-decide na mag-settle down.

“I don’t know with Raffy. Alam mo namang mas-excited pa ang isang iyon kaysa sa akin. And for me, okay lang naman sa akin kahit saan kami ikasal. Ang mahalaga’y magiging Mrs. Santillan na ako after five years of being in a relationship with Raffy. I’m so happy, best friend.”

She can actually see through Jenny’s eyes that she’s really happy. And she’s happy for her best friend too.

“I’m also happy for you, friend. Just send me the wedding invitation, okay?” she sipped in her coffee latte.

“I will. Ipapadala ko din sa iyo ang sketch kung paano makakapunta sa resort ng brother ni Raffy.”

Napatikwas ang kaliwang kilay niya sa sinabi nito. “Ang akala ko ba ay nag-iisang anak si Raffy ni Tita Rose?” nagtatakang tanong niya dito.

“Well, you were so busy with your work so I forgot to tell you about that thing. May half-brother si Raffy na German ang tatay. His brother’s name is Oliver Moller and he inherited his father’s luxurious resort in Batangas. Plus, this Oliver guy is very hot and single.” Nahimigan niya ang panunukso sa boses ng kaibigan niya. May pakiramdam siyang ima-match make siya nito sa kapatid ng magiging groom nito kapag nakahanap rin lang ito ng pagkakataon.

Lately, Jenny has been doing that. Madalas siya nitong ipakilala sa mga kaibigan nitong lalaking single kasi natatakot daw ito na tumanda siyang dalaga. Gzzzz!

Paano’y malapit na siyang mag-twenty four subalit hindi pa siya nakakaranas na magkaroon ng boyfriend. Pumapayag naman siya sa mga blind dates na isini-set nito pero iyon ay para lang pagbigyan ito. Ayaw naman niyang sumama ang loob ng kaibigan niya kapag tinanggihan niya ito.

Pero kung siya lang ang masusunod, ayaw pa niyang i-entertain ang mga lalaking nagpapalipad hangin sa kanya. Una na ay masyado siyang busy sa trabaho niya kaya’t hindi niya alam kung may time pa siya sa pakikipag-relasyon. Pangalawa ay hindi pa naghihilom ang sugat sa puso niya. Sugat na hindi naman likha ng mapait na pakikipagrelasyon kundi ng isang malagim na trahedya sa buhay niya noong labing-apat na taong gulang pa lang siya.

“Why do I have this feeling that you are going to do something para makilala ko ang Oliver na ‘to?” nakangiting turan niya dito. Hangga’t maaari ay ayaw na niyang alalahanin ang trahedyang iyon na matagal na ring nangyari.

“Of course not! Alam mo ikaw, masyado kang paranoid!” sumimsim muna ito sa kape nito bago muling nagsalita. “But to tell you, makikilala mo nga siya because he will be your partner.” Nakangiting turan nito.

“Should I be thrilled?”

Nagkibit-balikat lang ito sa tanong niya. Hindi na niya ito inusisa pa dahil wala naman siyang balak na makipagmabutihan sa kapatid ng mapapangasawa nito.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon