BNKM - 25

3K 62 1
                                    

PAULINE'S POV

Sinipat ni Pauline ang sarili sa vanity mirror na nasa isang sulok ng silid niya. She looked okay, she decided. She was wearing a knee-length black mini-dress. Five-inches high-heels naman ang suot niya. Ipinusod niya ang mahaba niyang buhok para ma-emphasize ang mukha niya na bahagya lang niyang inapplayan ng make-up.

Bahagya siyang nagulat nang tumunog ang doorbell. Nagtatakang bumaba siya ng silid niya. Sino kaya ang panauhin niya? Ang usapan nila ni Raymond ay magkikita na lang sila sa restaurant na sinabi nito kanina bago sila maghiwalay sa office. Ngayong gabi ang ipinangako niyang date kay Raymond. Umuwi lang siya saglit sa bahay niya para makapagpalit ng damit.

Pagbukas niya ng front door ay si Oliver ang nabungaran niya. Hawak-hawak nito sa isang kamay nito ang isang pumpon ng purple hyacinth. Iniabot nito sa kanya ang naturang bulaklak.

“Why are saying sorry?” nagtatakang tanong niya sa lalaki. Alam niya ang ibig sabihin ng bulaklak na iyon. Purple hyacinth ang ibinibigay sa mga taong gusto mong hingan ng tawad. And as far as she could remember, wala naman itong kasalanan sa kanya.

“I’m sorry I didn’t wait for you,” malungkot na saad nito. He could actually see pain in his eyes. And was there loneliness too? Parang gusto niyang haplusin ang mukha nito pero nagpigil siya. Ayaw niyang lumapit sa tentasyon dahil alam niyang maaari siyang ipagkanulo ng sarili niya.

“Oliver, it wasn’t your fault. It was nobody’s fault. Hindi rin totoong hindi ka naghintay. You waited for me pero late na akong dumating. Tadhana ang nagdikta ng mga bagay para sa ating dalawa. Sinabi mo naman ang rason kung bakit biglaan ang pagpapakasal mo kay Zyra… you wanted to grant your mother’s wish – her last wish. At naiintindihan ko iyon. And I’m sure, you made your mother very happy,” madamdaming saad niya dito. Pinipigilan niya ang maiyak. “And may I just ask you, ano ba talaga ang ikinakaganyan mo? Why are you acting like I’m very much important to you?”

“Dahil iyon ang totoo! The day before my mother asked me of getting married, I already figured out that I was already in love with you. I had sex with other woman pero hindi pa rin kita maalis sa isip ko. When I told you I love you in my letter, I really mean it,” he gently said.

“But it won’t change the fact that you’re married now, Oliver. I must admit, may nararamdaman na rin ako sa iyo bago pa man ako umalis ng Thailand. In fact, nasa isip ko na gusto kong bigyan ka ng chance na maging boyfriend ko. Pero iba ang plano ng tadhana sa atin, Oliver. At siguro, panahon na para tanggapin mo na rin na hindi na magiging tayo. Kasi ako, iyon ang ginagawa ko kahit sobrang hirap,” malumanay na saad niya dito.

“What if I don’t? What if hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo?” nahimigan niya ang matinding lungkot sa boses nito.

“You have to.” Nagpipigil lang siya ng luha niya. Pero ang totoo ay gusto na niyang bumunghalit ng iyak. She felt so helpless.

Naramdaman niya ng yakapin siya ni Oliver. Kay higpit ng yakap nito na pakiramdam niya ay ayaw na siyang pakawalan pa nito.

“Please don’t make it too hard for me, Oliver,” aniya at saka kumawala sa yakap nito. “Sige na, I have to go. Naghihintay na sa akin ang date ko.”

Pinakawalan naman siya nito. Pero naroon pa rin ang lungkot sa mga mata nito. Inilagay niya sa center table ang mga bulaklak at binalikan sa kwarto niya ang purse at susi ng sasakyan niya.

Tahimik na lumabas sila ng bahay niya. Ihinatid pa siya nito hanggang sa kotse niya. Bago siya lumulan doon ay nag-iwan pa siya ng salita. “Umuwi ka na sa inyo at baka hinahanap ka na ng asawa mo. Ito na muna sana ang huli nating pagkikita, Oliver. Nahihirapan akong mag move-on kapag ganitong lagi kitang nakikita.”

Iyon lang at pinasibad na niya ang sasakyan niya palayo dito.

She had to say those words para na rin sa kapakanan niya. Hindi siya makakapag move-on kung lagi niya itong makikita. Nagbuga muna siya ng hangin bago siya pumasok sa restaurant kung saan naghihintay sa kanya si Raymond.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Where stories live. Discover now