Midnight 69 - Night

696 34 46
                                    

Midnight (69)


"Where are we going?" I nervously asked.

Mabagal ang lakad niya at ang daming camera flash sa paligid. Nakahawak pa rin siya sa aking kamay. Pinadulas ko ng konti ang kamay ko para makawala sa hawak niya pero lalo lang niyang hinigpitan ang hawak sa akin.

"Away," tanging sagot niya hanggang makalabas na kami ng arena. Papunta na kami ngayon sa direksyon ng parking lot.

"We're going away?! Saan?"

Hindi niya ako sinagot. Nagtuluy-tuloy lang siyang maglakad. Nang nakarating kami sa harapan ng kotse niya ay hindi pa rin niya ako binibitawan. Medyo na-concious na ako ng sobra kaya nagsalita na ako.

"Sir Ash, your hand," I said, reminding him of his inappropriate hold on me.

Marahan niyang binitawan ang kamay ko bago tumingin sa aking mga mata.

"Sorry. Bawal na ba?" tanong niya.

Kumunot lang ang noo ko. Malamang, bawal. Obvious naman na bawal. Hindi magandang tignan. I was suddenly worried about the camera flashes earlier, and how he saved me from the interview. For sure, it will spread like wildfire on the internet.

"Akala ko ba, single ka?" he suddenly said. His words made my eyes grow bigger.

"H-Huh? Oo, single ako. Pero ikaw, hindi ka single, sir."

Lumapit siya ng isang hakbang sa akin. "Sigurado ka?"

Nalaglag lang ang panga ko. 

What does he mean by that?

"Oh yeah. I almost forgot that you assume a lot of things. You never changed," he said, more on to himself.

I looked at him in disbelief pero naglakad na siya papunta sa driver's seat. Nakapasok at nakaupo na siya sa pwesto niya nang naisipan kong sa likod nalang ng kotse pumasok. Nakakahiya kasing tumabi sa kanya.

"Sa likod nalang po ako sasakay," sabi ko nang nakapasok na sa likod.

Tinignan niya ako ng matalim gamit ang salamin ng kotse sa unahan.

"Ano ako, driver mo?" tanong niya. Gumalaw ang panga niya kaya medyo kinabahan ako lalo. Hala. Nagalit ba siya?

"Ah. S-Sorry po... sa harap po ako. Sorry," sabi ko nalang sabay baba ulit sa likod. Mabilis akong lumipat sa harap ng kotse niya. I only looked at my hands when I got in to the shotgun seat. Pinaandar na niya ang kotse at hindi na ako kinausap.

Tahimik lang ang naging biyahe namin. Gusto kong itanong sa kanya kung saan kami pupunta pero nahihiya pa rin akong harapin siya. Medyo kinakabahan pa rin ako sa posibilidad na baka nga galit siya sa akin.

I just kept on looking at my hands. I still couldn't believe that my hand intertwined with his earlier. I still couldn't understand what the hell is going on.

"Bakit nakatingin ka lang sa kamay mo?" he asked after a long silence. Walang bahid ng galit ang boses niya, medyo tunog mapang-asar pa nga.

Gusto ko siyang tignan kasi pakiramdam ko ay nakangiti siya ng nakakaloko pero mas pinangunahan ako ng hiya. My eyes just stayed at my hands without even answering his question.

"Don't worry. Hahawakan ko ulit mamaya 'yan kapag nag-stop light," sabi pa niya.

I looked at him this time. My brows were furrowed.

"Nakainom ka ba, boss?"

"No."

"G-Ganyan ba kapag nanalo sa game? Kung anu-ano po kasing lumalabas sa bibig mo."

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now