Midnight 44 - Never

1K 48 68
                                    

Midnight (44)


I winked my eyes a couple of times to make sure that I wasn't hallucinating.

Diniin ko rin ang aking mga kuko sa aking daliri, napangiwi ako ng masaktan.

Fuck, he's really here!

He's observing my teaching tonight...

"Maghahanda ulit ako ng joke sa Monday, sisiguraduhin kong matatawa ka na," Zarek whispered and then winked at me before he pinched my right cheek. He casually walked to his chair at the back of the room. His seat was just in front of Ash.

Tinignan niya ng ilang segundo si Ash bago siya umupo sa silya niya pero hindi man lang niya binati ng 'Good evening' or what. Si Ash naman, nakipagtitigan lang din. 

I swallowed hard and tried to calm myself before walking towards that teacher's table in the middle of the room. Geez, I've never been this nervous my whole life!

I've been observed many times in my whole teaching career. Nakapag-close na rin ako ng maraming deals. This should be easy for me. But no, tonight is different, because it's Ash who's observing me, and because it's HF18 he's observing. 

And he also looked mad!

Yung pagiging late namin ni Zarek sa klase, yung pag-akbay niya, yung pagbubulong niya sa akin, at yung pagkurot niya sa pisngi ko ay hindi rin nakatulong dahil pakiramdam ko, mas lalong nainis si Ash. Baka iniisip niya pa ngayon na hindi ko masyado sineseryoso yung AES.

Shit. Bakit ba kasi siya biglang nandito?

"Good evening," I started. "Can everyone read chapters sixteen and seventeen of your 'readers' book? I will be giving you twenty minutes. Thank you."

As usual, hindi lahat ay kumuha ng 'readers' book nila. May isang nagdabog na naman ng mesa niya pero hindi na ako nagulat dun. Pangatlong beses ko na kasing nagturo dito, pangatlong beses na rin siyang nagdabog.

Nang tinignan ko si Ash, medyo naka-kunot ang noo niya dun sa lalaki. Nagtama ang tingin namin saglit pero umiwas din siya agad at nagsulat nalang sa kanyang evaluation sheet.

HF18 is a ruthless class. Alam ni Ash 'yun. Pero wala siyang pakialam o reaksyon kahit magulo sila at halos hindi nagbabasa ang karamihan. Pero kung tutuusin nga naman, hindi naman siya ang responsable sa klase. Ako 'yun kasi ako naman yung guro.

AES supervisor si Ash. Nandito lang siya para mag-observe. Nandito lang siya para gawin ang trabaho niya.

Nakakatawa lang na medyo umasa ako na tutulungan niya akong patahimikin at pasunurin yung klase. Napa-iling nalang ako sa mga kahibangan ko.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagtama ulit ang tingin namin ni Ash. I tried to mouth something to him pero hindi ko natuloy kasi bigla na naman siyang nagsulat. Parang sinasadya niya. Parang ayaw talaga niya akong kausapin. 

Nakakainis na nakakakaba. 

Ganyan ba siya umasta dahil lang sa late ako?

"Time's up. Now, please get your 'writers' book and we will be conducting the 'Listen and Write' activity. I will be dictating a couple of complex sentences using the vocabulary from the current chapters you just read," I spoke.

"Yulann, you don't have to do it." I smiled at him. He smiled back and gave me a thumbs up.

"Akala ko magtatanong ka na naman ng tungkol sa engineering, eh," said Rainy without even looking at me.

I slowly bit my lip. That was my first shitty encounter for tonight. 

Kakausapin ko pa sana siya at ipapaalala ko pa sana sa kanya na nag-sorry na ako sa kanila tungkol dun pero 'di ko nagawa dahil nakita ko siyang nakatitig kay Ash. And worse, si Ash din ay nakatitig sa kanya. Both of them are in their poker faces.

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon