Midnight 34 - Worse

1.6K 40 41
                                    

Midnight (34)


Mabilis pero dahan-dahan ring bumagal ang paglalakad namin ni Ash nang nakaliko na kami at hindi na kami tanaw ng mga tao.

I nervously looked at him. His hair is disheveled making it hard for me to see his wound. My eyes drifted on our interlocked hands. He is still holding it tightly. His hands are rough and gentle at the same time. 

When I looked at his other hand, the stain of dried blood is still visible. He is not talking or looking at me at all.

Seryoso at madilim pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Habang naglalakad ay ilang beses kong sinubukang magtanong o magsimula ng usapan pero lagi lang hindi natutuloy dahil natatakot ako sa kanya.

He saved me from those bullies. Nasaktan siya dahil sa akin. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung paanong napunta sa ulo niya yung bato. Hindi ko alam kung paanong bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko.

"Where are we g-going?" simula ko nang hindi na nakatiis sa grabeng katahimikan.

"AES office."

Simple lang ang naging sagot niya, hindi na rin ako nagtanong pa ulit pagkatapos nun. Nilagay niya ang kanyang hinlalaki sa automatic bio metric scanner ng AES office at kusang bumukas ang pinto para sa amin.

Bumungad sila Fefanie, Hugo at Leonard na nagla-laptop lang. Just like my friends and my bullies, their eyes fell on our intertwined hands. Si Fefanie ay medyo napa-awang pa ang bibig.

Sinubukan kong kumawala pero lalo lang hinigpitan ni Ash ang hawak niya sa akin. Pumikit nalang ako sa kahihiyan sa kung ano man ang iisipin nila sa amin.

Mukhang na-gets din naman nila agad na wala sa mood si Ash. Imbis na asarin ito, tahimik lang silang tatlo na nakatingin sa amin. Mukhang hindi rin nila napansin ang sugat nito dahil natatakpan ito ng buhok niya.

"Fefanie, where's the AES medical kit?" 

"Ah, nasa stock room po, sir Ash. Kunin ko pa ba? May sugat po ba kayo?"

"Yes. Send it to my room. Thank you," seryosong sabi ni Ash sa sekretarya niya bago ako hinila papunta sa isang isolated office door.

Mabilis namang pumunta si Fefanie kung saan. Leonard's face was full of questions when our eyes met. Gusto kong mag-explain, pero hindi ko rin kasi alam ang nangyayari.

It's funny how I kept this friendship with Ash for the longest time, but then in a blink of an eye, alam na agad nila Eunnie, Caselee, Wianna, Lorraine, Hugo, Fefanie at Leonard. And worse, they all saw how furious Ash was and how he held my hand tightly. I'm afraid they might get the wrong impression.

Pagpasok sa opisina ni Ash, tumunog agad ang kanyang cellphone.

"Sit there. I just have to talk to dad for a moment," utos niya sabay turo sa isang malaking black sofa katabi ng desk niya. Tumango ako.

Lumabas siya sa isang connecting door na papunta sa AES board room kung saan ako nag-test noon. Naalala ko na naman yung kahihiyan ko nung nahuli ako ni Ash na ako si Yanisa dun sa room na 'yun. My face heated at the memory.

Naiwan akong mag-isa sa office niya. I scanned the whole room. As expected, his office is spacious and modern. The colors are mostly gray and white. He has a huge office desk with a desktop, a laptop, stacks of papers and organizers on the side.

Katabi ng desk niya ay isang malaking sofa kung sa'n ako nakaupo ngayon. From where I sit, I can see that his office walls are transparent. Nakikita ko ang lahat ng nangyayari sa labas sa LIAM grounds. I think this is a one-sided mirror. I don't think na nakikita ko ang office ni Ash from the outside tuwing naglalakad ako sa LIAM grounds.

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now