Midnight 14 - Stalk

3.6K 77 18
                                    

Midnight (14)


"I choose you."

Silence...

"Yes!" Sigaw no'ng babae sa likuran ko bago siya masayang tumayo at umakyat papunta ng stage kung saan nando'n si Ash na naghihintay.

Whew.

Biglang kumawala ang lahat ng hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. I didn't even know that I had the ability to hold my breath that long! Buti nalang siya pala yung tinawag. Buti nalang at hindi ako! It's not me! Thank heavens!

Something feels weird though. Pakiramdam ko kasi, sa akin talaga nakatingin si Ash kanina. Naduduling na ba ako? Dala lang siguro ng sobrang kaba. Hindi naman kasi ako naka-raise ng hand kaya for sure, hindi niya ako tatawagin. Assuming lang ako, like always.

"What's your name, Miss?" Tanong ni Ash do'n sa babae. Napatingin naman ako do'n sa gawi ni ate at grabe sa laki ang ngiti niya. Err...'kay.

"Wianna Lopez!" She answered gleefully.

Inalalayan siya ni Ash para maka-akyat siya ng stage ng maayos. Nakita kong hinawakan pa ni Ash yung braso niya. Pulang pula naman sa kilig yung Wianna. Hinawakan lang sa braso namumula na siya? Ibang klase. Napailing nalang ako nang nakarinig ng mga chismisan sa paligid. 

"Grabe, hinawakan ni Ash yung braso niya."

"Ang swerte talaga niya."

"Sana may kunin pa siya ulit na iba pang volunteer!"

Hinayaan ko nalang ang mga bulungan at nag-focus sa nangyayari sa stage. Pinahawak ni Ash si Wianna ng mga visual aids o malalaking cards na naglalaman ng mga children poems. Tila nagpakitang-gilas naman yung babae at sobrang inayos niya ang kanyang posture. Napa 'edi wow' nalang ako sa isipan ko. Lakas maka-show off eh.

"After lunch, our training will be by pairs. And Miss Wianna and I will demonstrate what to do.—

"Your partners will be picked randomly by the AES staff so you will not need to choose.—

"Your AES demonstration level will also be picked randomly. You can get either kindergarten, elementary, high school or collegiate level of materials." Ash said.

Ngumiti lang si Wianna nang muling ibinalik ni Ash ang tingin sa kanya. Tumango lang sa kanya si Ash hudyat para basahin na niya yung visual aid na hawak niya. Mukhang kindergarten level yung babasahin ni Wianna kasi ang daming pictures ng mga animals at ang laki pa ng font size. Sana mamaya, kindergarten level din yung sa akin.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang basahin ni Wianna yung hawak niyang malalaking cards. Pakiramdam ko, nasobrahan yung pakitang-gilas niya kay Ash - kasi parang hindi naman natutuwa si Ash do'n sa pagsasalita niya. Parang inaartehan niya kasi yung accent ng bawat words. Hindi naman gano'n magsalita ng English eh. Hindi natural.

"Nakakainis, ako dapat 'yan eh. Kung ako yung nakuha, mas magaling ako mag-English d'yan." Pagmamaktol ni Eunnie.

"Oo nga eh. Alam niyo, feeling ko talaga isa sa ating tatlo yung totoong nakuha eh." Simula ni Caselee. "Kasi yung mata ni sir Ash sa atin talaga nakatutok eh. Nag-feeling lang 'yan si Wianna. Ang feeling ko nga, kay Yannie talaga nakatingin si sir Ash eh."

"S-Sa'kin? Hindi ah. Hindi naman ako nakataas ng kamay. Hindi ako nag-volunteer." Kinakabahan kong sagot kay Caselee. Could it be possible na ako nga? No way. Why would he call someone who's not even trying to get his attention?

"Baka nga kaya ikaw ang pinili niya kasi gusto niya piliin yung hindi nag-vo-volunteer? What do you think?" Seryoso ang mukha ni Eunnie na nakatingin lang kay Wianna at Ash sa stage.

Midnight Stalker (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat