Daylight 20 - Reply

3.3K 61 19
                                    

Daylight (20)


"Welcome to Coron Island Philippines, LIAM faculty and staff! In approximately 5 minutes, we will now be arriving at Merchalles Grand Hotel! I am Helena, and I will be your tour guide and activities coordinator for your entire trip!—

"Paki-tandaan nalang po kung saan po kayo naka-upo ngayon kasi d'yan din po kayo uupo pag-uwi natin.—

"I-double check na rin po ninyo ang inyong mga gamit at siguraduhing walang maiiwan na valuables kasi sa malayong lugar pa po magpa-park ang bus A."

Nagising ako dahil sa ingay no'ng tour guide sa bus. Bigla nalang kasi nagsalita ng kung ano-ano na mukhang hindi naman importante. She's even using a lapel microphone that made her voice annoyingly loud.

I scratched my eyes and yawned. Whew, I feel so much better. Nakatulong yata talaga yung ininom ko na Tylenol paracetamol. Hindi na gano'n kasakit ang ulo ko. Nakatulog na rin ako sa wakas. Hindi man gano'n katagal ang naging tulog ko pero matagal na 'yun kumpara sa mga tulog ko noong mga nakaraang araw.

I looked around and noticed that almost everyone is already preparing their things. And just on cue, I saw the big logo of the hotel we will be staying at. Halos nandito na pala kami. Wala naman akong masyadong dalang gamit kaya sumandal nalang ako sa head rest ng upuan. A girl in my periphery caught my eye.

Oo nga pala, tsk, katabi ko nga pala siya.

I slowly looked at her, expecting her to look away like she always does but she didn't.

Because she's still sleeping.

Damn it! 

Napalunok ako ng ilang beses!

B-Bakit ganyan ang suot niya?! Hindi ko 'yan napansin kanina ah?!

She's wearing a gray tank top and dark blue shorts. Her hair was up with some brown strands falling on her n-nape. Ano ba itong babaeng 'to? Exposed sobra yung balat niya! Naiinitan ba siya kaya ganyan ang suot niya? Kung naging kuya niya ako, magagalit talaga ako sa kanya sa paraan ng pananamit niya!

Bahagya siyang naka-nga nga pero hindi naman yung tipong nakakatawang tignan. Nakasandal siya sa salamin ng bus sa kanan niya habang yakap niya ang kanyang bag. Mula rito sa kinauupuan ko, kitang-kita ko ang kabuuan ng kanyang maputing leeg pababa sa kanyang collarbone pababa do'n sa balat sa... fuck it! Espirito ni Viel, lumayo ka sa 'kin!

Bakit ba kasi ganyan siya magsususuot?! Parang nang-aanyaya eh! Ganyan ba sila manamit sa Thailand? Pasalamat talaga siya at ako yung nakatabi niya dahil kung ibang lalaki, baka pinagsamantalahan na siya. Tsk!

I sighed deeply to erase what I just saw. Malala na 'to. Masyado na ba akong nag-lalapit kay Viel kaya ako ganito? O baka masyado lang talagang showy ang suot ni Yanisa kaya naapektuhan ako at ang pagkalalaki ko? Darn it! I don't know! 

"LIAM faculty and staff, we have officially arrived at Merchalles Grand Hotel, Coron Island! This is the grandest and most exquisite accommodation in the island. I hope you all enjoy your stay! Once again, my name is Helena and I'll see you later for our day tour!"

Gumalaw ng kaunti si Yanisa sa tabi ko. Sinilip ko siya at nakitang gising na nga siya. Siguro nagising siya do'n sa boses no'ng tour guide. Ang lakas kasi talaga ng boses, eh.

Nang mag-aangat na sana siya ng tingin sa akin ay biglang ako naman ang umiwas ng tingin. Mabilis kong inayos ang aking gamit at tumayo na tulad ng ginagawa ng ibang mga tao sa bus. Mahirap na. I don't want her to see me all flustered because of her.

Kahit na may tampo ako sa kanya ay pinalaki pa rin naman ako ng magulang ko ng maayos. My mom would always say to me that I have to be a gentleman at all times. Kaya naman, tumayo na ako sa aisle at binigyan siya ng daan para mauna na siyang lumabas.

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now