Midnight 3 - Yanisa

4.3K 144 6
                                    

Midnight (3)  


Today's school day went really fast.                  

Hindi ko man lang napansin na uwian na pala. Why did it go so fast? Kasi ang daming activities. Sports day kasi namin ngayon, so kailangan ko alalayan lahat ng kindergartens na hawak ko on how to play their sports games. Masaya naman kasi may ilang prizes na nauwi yung classroom ko pero yung aftermath, nakakapagod talaga.

Si mama, medyo kalmado na siya ngayon. Nakalimos na kasi ako kay dad ng pera kaninang umaga. Kahit labag sa loob ko dahil binugbog niya si mama, ginawa ko pa rin magpakababa para kay mama. Nung una, ayaw pa ni dad magbigay kasi kakabigay lang pala niya sa amin ng 5,000 THB last Monday, tapos ngayon Wednesday palang, humihingi na ulit si mama. Well, magastos kasi talaga si mama.

Ang importante, hindi na niya masyado iniinda yung mga pasa niya kasi nagkapera na siya ulit. Ganun naman lagi si mama kapag may pera na siya, masaya na siya ulit. Kapag may pera na siya, 'di na siya miserable.

"Ouch," bigla kong nasabi. Bigla naman kasing kinurot nitong si Paul yung cheeks ko. Naglalakad na kami ngayon papunta ulit sa bus stop. Surprisingly, wala silang date ngayon ni San San.

"Sorry Yanyan, nanggigigil ako sayo eh! Cute kasi ng ayos mo ngayon." Sabi niya.

Ayos? Nilugay ko lang naman ang buhok ko at sinuot yung malaking bilog na eye glasses na sikat ngayon. Tapos ang outfit ko ay naka school teacher's uniform lang naman ako. Imposible namang ma-cute-an siya sa school uniform namin eh araw araw niya akong nakikitang naka-ganito. Weird talaga nito ni Paul.

"Huh? Wala namang bago ah." Simple ko lang na sinabi. Wala naman kasi talaga.

"Wala lang. Feel ko lang medyo nagbago yung aura mo ngayon. Parang mas masaya ka ngayon kaysa kahapon."

"Haha. Ganun ba. Thanks Paul." Ngumiti ako ng parang ewan. Hindi ko naman kasi alam kung ano talaga yung mga pinagsasabi niya eh. I'm confused.

"Saan tayo ngayon?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Ikaw, kahit saan, baka may date pa din kasi kayo ni San San. Ayoko naman maging istorbo." I looked the other way and rolled my eyes. Ugh.

"Wala kaming date. Best friend time ko ngayon, noh." Sabi niya habang as always, ginulo-gulo niya yung buhok ko.

Haha. Best friend time. Ang sakit naman nun sa tenga.

"Kahit sa ice cream shop nalang ulit, Paul. Kailangan ko magtipid ngayon eh." I honestly said. Mahirap na. Kapag kasama ko kasi si Paul minsan napapagastos ako ng malaki para lang mas makasama siya ng matagal. Kaso hindi na pwede. Iba na ang sitwasyon ko ngayon. Kailangan ko nang mag-ingat sa mga gastusin ko. Things are not the same as they were anymore.

"Aha!" Si Paul. Mukhang parang may naisip siyang magandang idea.

"Ano?" Mapait akong ngumiti. Hindi na yata ako ganun ka-kumportable ngayon kay Paul. And I don't know why. Maybe kasi sila na nga ni San San.

"BonChon tayo. Libre ko."

Silence...

Nanlaki ang mata ko.

"Are you sure?"

"Yup. You and I have a lot of explaining to do." Natatawa niyang sinabi.

"Yeah." I added. Yup madami talaga siyang dapat i-explain.

Sumakay na kami sa bus papuntang The Mall Bangkhae, isa sa pinaka sikat na chain of malls dito sa Thailand. Para daw siyang SM sa Pilipinas, yung tipong kahit saang lupalop ka ng Thailand, may makikita kang branch ng The Mall.

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now