Midnight 67 - Gap

626 27 38
                                    

Midnight (67)


"Are you serious?" I asked.

His brows furrowed. "Do I look like I'm not?"

My heart went drumming crazily again. I tried to disregard it but it just won't calm down. I hate how I am always like this whenever Ash is around. Hindi na talaga ako nagbago.

"You haven't asked me a single question," I stated.

Hindi na niya ako sinagot. Bigla nalang siyang nag-type ng mabilis sa kanyang desktop computer. Kumunot ang noo ko dun at medyo kinabahan.

"What are y-you doing?!" I asked him.

"I will announce it now," he answered while still typing.

I blinked twice. "Announce what?"

"That I have already hired you."

My mouth formed a circle. "Wait. What?! No!"

He raised a brow when he locked his eyes with mine.

"Bakit? May kaaway ka ba?" tanong niya.

"O-Oo," I said with a shaking voice. Hindi naman sa may kaaway ako, pero alam kong maraming may ayaw sa akin. Pareho lang din siguro 'yun.

"Good, then. Edi hindi ka na nila malalapitan," sabi niya sabay type ulit ng kung ano sa kanyang computer.

Bigla akong nakaramdam ng panic. Naalala ko kasi na sabi ng candidate B kanina na i-e-email nalang daw ni Ash ang na-hire niya. Bigla akong kinabahan na baka 'yun na nga ang ginagawa niya ngayon.

Nung nakita kong natapos na ang kamay ni Ash na mag-type at lumipat na ang kamay nito sa kanyang mouse, dun ako lumakad ng mabilis mula sa kinauupuan ko papunta sa kanya.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ng bahagya ang email na i-se-send niya sa lahat ng empleyado ng Farreon. Tama nga ang hinala ko! The email said that he has already hired me! Mabilis kong pinigilan ang kamay niyang pindutin ang 'send' button.

But it was too late.

Bigla ko nalang nakita na 'sent' na ang email sa lahat ng employees. Naka-copy rin sa email ang lahat ng mga head.

My mouth dropped at that. Ilang segundo rin akong nakatulala lang habang nakatingin sa screen ng kanyang computer.

"You sent it yourself," natatawa niyang sabi.

"Huh?!" I looked at him in disbelief. "I didn't!"

Hindi na naman niya ako sinagot. Instead, he stared at me for what felt like forever. I can feel my cheeks heating up but I can't seem to lose the eye contact with him, too. Parang bigla akong na-hypnotize. Those set of familiar eyes that I loved so much... and I am still loving until now...

Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Ash sa aking mga mata papunta sa aking labi. I nervously pressed my lips when his gaze reached there. Mamaya pa ay bumaba na naman ang tingin ni Ash—hanggang sa natagpuan ko nalang ang kanyang mga mata sa kamay namin... na magkapatong na hawak ang kanyang mouse.

Nanlaki ang mata ko dun! Tuluyan nang nag-init ang buong mukha ko dun. Mabilis kong inalis ang kamay kong nakapatong sa kamay niya. Biglang bumilis ang paghinga ko habang nagmamadali akong bumalik sa upuan ko kanina sa harapan ng desk niya.

Pagkaupo kong muli, hindi ko muna siya tinignan. Hindi ko kasi alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya ng hindi ko sinasadya! Kamay ng ex ko! Ex ko na may jowa! At yung girlfriend niya ay kaibigan ko pa! Na-nagbigay sa akin ng trabaho!

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now