Midnight 66 - Drop

582 32 31
                                    

Midnight (66)


"Take me h-home? Sa bahay mo?" I nervously asked.

Tuluyan na kaming nakalabas sa Farreon building habang buhat-buhat pa rin ako ni Ash papunta sa parking lot kung nasaan naroon ang kotse niya.

"Sa bahay mo. Sa Ortigas," he corrected me. My cheeks suddenly heated at that.

What the hell? Oo nga naman. Ano ba yung pinagtatanong ko?! Malamang kung ihahatid man niya ako, siyempre sa bahay ko. Geez! Nakakahiya! Parang gusto ko nalang biglang maglaho. Baka isipin pa niya, gusto kong pumunta sa bahay niya!

Hanggang pinapasok na niya ako sa shotgun seat ng kotse niya at hanggang naka-upo na rin siya sa driver's seat, hindi kami nag-iimikan. Sobrang napahiya rin ako sa tanong ko kaya wala akong lakas ng loob na magsimula ng usapan. At boss ko pa rin siya, kaya 'di ko siya pwedeng ituring na kung sinong kaibigan lang.

"How's work?" he asked after a long stretch of silence. His eyes were fixed on the road.

Hindi ko sinasadyang maubo sa tanong niyang 'yun. Pagkatapos niya akong bigyan ng sobrang daming trabaho, magtatanong siya ngayon ng ganyan?!

Nung nag-stop light, kumuha siya ng kung ano sa back seat. Nagulat nalang ako nang biglang binigyan niya ako ng isang bottled water na hindi pa nabubuksan. Nagtataka ko itong tinignan bago ko tinanggap.

Uminom ako roon habang nakatingin sa bintana. Bigla akong na-concious kasi kita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig lang siya sa akin habang umiinom ako. 

Bakit ba kasi kailangan niya akong panuorin?! Sobrang bilis ko tuloy uminom.

"You okay?" tanong niya nang natapos na akong uminom. I don't know if it was just me assuming but he sounded a bit worried.

"O-Oo," sagot ko habang nakatingin naman ngayon sa binti ko.

Silence dominated his car again for the next few minutes. Nakatingin lang ako sa bintana habang nagda-drive lang siya.

Sinubukan ko siyang tignan ng isang beses dahil gusto kong makita ng maayos ang bago niyang hitsura, mas mature na kasi ang ayos niya ngayon, pero bago pa man ako makapagnakaw ng tingin sa kanya, nakita kong nakatingin na siya sa akin kaya umiwas ulit ako agad ng tingin. I bit my lip as I looked outside the car's window again.

"Thanks p-pala... for carrying me," I said when we stopped again because of another red light. I tried to sound as casual as possible but it sounded otherwise.

"Pinulikat ka ba kanina?" tanong niya. Nakatingin lang siya sa daan. Tumingin nalang din ako sa harapan bago ko siya sinagot.

"Hindi naman."

"Pinupulikat ka pa ba?" he asked again.  

It has been three long years or even more since I had cramps back in Coron Island but he still remembered it. My heart fluttered upon remembering how he save my life back then. Until now, I still owe him that one.

"'Di na," I almost whispered.

"Don't overwork yourself," he said in a monotone.

I quickly looked at him with a creased forehead. Bago pa ako makapagkumento ng hindi maganda sa sinabi niya ay inunahan na niya ako.

"I'm sorry. It was my fault. I let you work too hard. I was upset."

"It's my fault," dagdag pa niya ulit. Tumingin na rin siya ng diretso sa akin. Biglang nagwala yung puso ko sa hindi malamang dahilan.

"No. O-Okay lang," I shyly responded. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko para pakalmahin ito.

The silence crept in again. It was really awkward for us because we were exes—and he is currently in a relationship now. Tapos kakakita ko lang sa kanila ni ate Morganne na nag-i-iyakan. Ayoko naman magmukhang ahas. Ayokong makasira ng pinagsamahan.

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now