Daylight 24 - Jealous

2.9K 52 25
                                    

A/N: This chapter contains scenes inappropriate for readers under eighteen. Please read at your own risk. 

PS: Votes and comments are appreciated. Thank you! :'3 

----

Daylight (24)


Tulala.

'Yan ang hitsura ni Yanisa pagkatapos kong sabihin sa kanya na single ako. Ilang segundo rin siyang naka-gano'n lamang, walang sinasabi at wala man lang ginagawang anumang kilos. Naka-estatwa lang. 

Kinawayan ko pa nga siya pero tumagos lang ang tingin niya sa kamay ko.

Bumalik lang siya sa katinuan niya nang nakitang dumating na yung inaabangan naming LIAM private bus. 

Nagmadali siyang maglakad para magkaroon ng pagitang espasyo sa amin. Hinayaan ko nalang siya sa trip niya.

Sa totoo lang, noong una ay na-o-offend pa ako sa kanya tuwing guma-ganyan siya kapag kasama niya ako, pero ngayon, pakiramdam ko nasasanay na ako. Mukhang masyado talaga siyang may pakialam sa magiging sasabihin ng mga tao sa paligid.

The private bus was huge and modern. The colors dark green and black, plus the logo of LIAM dominated its interiors. It has around 20 rows of 2-seater modern and contemporary soft chairs on each side. The overhead compartments are automatic. Each row is spacious enough to stretch your legs. In every 2 rows, there is a TV screen.

The bus was around eighty percent empty when we hopped in. At mukhang kaming dalawa nalang ni Yanisa yung huling umakyat na taga-LIAM. Mukhang halos lahat ng teachers ay nakasakay na nga do'n sa naunang bus o kaya may mga sundo, o nag-taxi.

Puro may mga edad na teachers na rin yung natirang nakasakay kaya wala nang masyadong nangungulit sa akin. They just all smiled politely at me while I was passing in the middle aisle. I carefully nodded and smiled back.

Yanisa sat on the far end of the bus, away from most people. Probably, iniiwasan pa rin ako sa hindi ko nanamang malamang dahilan. Girls.

When I found her dumbfounded earlier, I thought my assumption was right, that she was having tantrums because she wasn't clear about my real relationship status. But now, she is giving me mixed signals again. 

Hindi ko tuloy alam kung napunto ko talaga yung ikina-totoyo niya kanina o mali nanaman ako. Tsk. Baka mamaya niyan, lalo pa siyang mag-toyo.

Huwag naman sana.

I can't let that happen!

The idea scared me!

Mabilis akong pumunta palapit sa kanya at walang paalam na umupo sa tabi niya, kahit na marami pang ibang upuan. 

We need to fix this, whatever it is. Hindi ako aalis sa bus na hindi kami nagkaka-ayos. I just don't know if I can still stand us avoiding each other again. I cringed at the thought. That's going to be a crazy torture for me.

I won't let that happen again.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko na namilog ang mata niya sa pag-upo ko sa tabi niya. Napatingin agad siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala na do'n ako umupo sa tabi niya.

"What?" I asked, trying to look clueless.

Iniwasan lang niya ako ng tingin at muling tumingin paharap. Tahimik lang kami, parang mga tangang hindi naguusap kahit na magkatabi. 

Buti nalang at nasa likod kami at wala nang ibang naka-upo na mas likod pa sa amin kaya hindi kami gaanong pinapansin ng mga tao sa harapan.

"Bakit mo ako tinabihan?" she asked me without looking at me when the bus finally departed.

Midnight Stalker (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant