Midnight 32 - None

2K 43 26
                                    

Midnight (32)


Hindi ko sinasadya na pabagsak na masarhan ng pintuan si Ash.

Ilang segundo rin akong na-estatwa sa labas ng pintuan ng pantry bago ako nagkaro'n ng lakas para maglakad na sa katabing kuwarto kung nasa'n ang opisina ni Director Pruden.

Pumikit ako ng mariin. 

Shit talaga.

Narinig niya!

Narinig niya yung kabayong bakla!

Tapos tinanong pa niya ako kung mukha na ba talaga siyang kabayo!!!

Inisip ba niyang sinabihan ko siyang mukhang kabayo dahil stressed na siya sa trabaho?! Hindi ba niya alam na ekspresyon ko lang naman 'yun?!

At isa pa pa, bakit do'n siya sa kabayo nag-comment? Bakit hindi do'n sa bakla? Ibig sabihin ba nun, hindi niya dine-deny yung pagiging bakla? Na mas apektado siya na natawag siyang kabayo? 

I'm so confused right now!

Galit kaya siya sa akin kasi napalakas ang pagsara ko sa pinto? Nagtatampo kaya siya sa akin? Ano yung seryoso niyang tingin kanina? Tapos bakit bigla ring naging nakakaloko yung tingin niya kanina? Hindi ko maintindihan!

"Sorry for waiting, Ms. Chuppanaporn," salubong sa akin ni Director Pruden pagpasok ko palang sa office niya. Hanggang ngayon ay lutang pa rin ang isip ko.

Nag-ring ang telepono ni Director Pruden pero binaba lang niya ito nang nasilip kung sino ang tumatawag. Kakausapin na sana niya ako ulit pero nag-ring lang ulit ang telepono, binabaan na naman niya.

"Thanks for doing a good job on your OJT here in LIAM."

"You're welcome, sir."

Ngumiti siya sa akin ng medyo nakakatakot bago niya binigay sa akin ang panibagong contract. Tinanggap ko naman 'yun gamit ang medyo pasmadong kamay.

"I'll give you time to read it. I'll be back shortly."

"Okay po, sir."

Lumabas na si Director Pruden sa kanyang office. Naiwan ako ritong mag-isa. Napa-buntong hininga ako habang napapaisip pa rin sa lahat ng nangyari. Nakakahiya talaga.

Halos pareho lang naman sa practicum contract ang regular employee contract. Ang mga naiba lang ay may sahod na ako at iba pang benefits. Hindi ko na sana babasahin kasi medyo pareho lang naman ng hitsura pero namilog ang mata ko nang nakita ang posisyon na ino-offer nila sa akin sa first page ng kontrata!

What sorcery is this?!

I-Is this real?!

The LIAM School Division

Contract for Regular Teachers

The agreement is hereby made between Lertlah International Academy Manila and Ms. Yanisa Chuppanaporn, residing at A1209, LIAM apartment, B.Ed major in Early Education.

With the signing of this contract by the teacher and by LIAM management, this document will duly constitute the agreement of the employment based on the following conditions.

1. The teaching salary paid to the teacher will be 35,000 PHP per month. An additional 5,000 PHP per month will be paid for the position of Kindergarten Key-stage Leader.

Is this... 

...really true?

Key-stage leader?!

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now