Midnight 37 - Eighteen

1.3K 34 44
                                    

Midnight (37)


I woke up with a smile on my face.

For some reason, I just felt so relaxed and at peace.

Sinalubong ako ng hindi masyadong pamilyar na tanawin. Puting dingding, itim na blinds, split-type inverter aircon, malaking flat screen TV, at itim na couch. Nakahiga ako sa isang malaking asul na kama, nakabalot sa akin ang isang makapal na comforter.

Kinusot ko ang aking mata at nag-stretch. Ang sarap ng tulog ko ngayon. Ngayon lang ako nakatulog ng ganito ka-tagal at ganito ka-satisfying. Napatingin ako sa itim na couch sa aking gilid. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga.

My heart started beating wildly. Napahawak ako sa dibdib ko at napakusot muli ng mata. Napa-upo ako sa gilid ng kama.

Holy shiz...

I was sure sa couch ako natulog kagabi! Pero bakit nasa kama na ako? At bakit ako lang mag-isa? Nasaan si Ash?

Kinamot ko yung ulo ko ng malakas. Damn! It really happened! I can't believe we did all that yesterday! We kissed like lovers. We kissed like there's no tomorrow! At kasalanan ko ang lahat kasi lasing siya at pumayag ako na gawin niya ang lahat ng 'yun sa akin!

I always dreamt of kissing Ash, alright. But in reality, if we will ever kiss, I want it to be the sweetest way possible. Like kissing under the moonlight or something similar to it. But fuck, we kissed in his room! At umabot pa sa leeg! Geez! How wild can I be?!

Ang landi ko pala? Pero hindi ako ganito noon!

I looked around the room. No signs of Ash. Sigurado talaga akong sa couch ako natulog. Malinaw pa sa alaala ko yung pag-ayos ko sa kumot ni Ash bago ako kumuha ng isang unan sa kama niya at natulog sa couch.

Tumayo ako at pumasok sa CR para umihi muna at maghilamos. After this, I have to look for him. Sana hindi niya naaalala lahat. Sana maging normal pa rin kami. Sana, wala siyang maalala na kahit ano.

I don't want him to think na pinagsamantalahan ko siya. I value our friendship. Ayokong dumating sa puntong iiwasan niya ako dahil sa nangyari.

Nalaglag ang panga ko pagpasok ko sa banyo.

No. No. No. No.

No way.

I was wearing an over-sized t-shirt and pajamas. 

And shit, I have a huge red kiss mark on my neck! 

And holy hell, there's more...

Wala akong bra kaya bumakat yung 'di dapat bumakat! Shiz. Oo nga pala at may built-in pads lang yung dress na pinahiram sa akin ni Eunnie kaya wala talaga akong sinuot na bra! I checked my undies, buti meron naman, buti at 'yun pa rin.

Still, ang lakas ng tibok ng puso ko. How can I hide what happened to him if the evidence is so clear on my skin?! Ugh.

Lumabas ako ng banyo at inikot ang kwarto ni Ash. The little black dress I wore can't be found anywhere!

Hala. May iba pa bang nangyari? Ang huling naaalala ko lang ay umabot lang hanggang sa leeg. May hindi ba ako naaalala? How do I figure that one out?

Desperate to know if anything happened, I did the craziest thing I have ever done in my life to date. Ginalaw-galaw ko ang legs ko. Bukas-sara. Taas-baba. I stretched my knees. I even tried to do the split. Hindi naman masakit. That means, I'm not sore. Right?

"Is that your morning exercise routine?"

Napatalon ako at umakyat ang dugo sa pisngi ko nang narinig ang boses ni Ash! Parang akong robot na dahan-dahan ang pag-ikot para matignan siya... only to see that he's still in his boxers! The hell! My face heated more!

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now