Midnight 7 - Finally

3.8K 120 17
                                    

Midnight (7)


"Hindi ako papayag sa mga pinaggagagawa ng tatay mo! Lintik lang ang walang ganti! Aaaaah!" sigaw ni mama sa akin pagpasok ko palang sa pinto ng bahay namin galing sa school.

Napatulala ako saglit bago nakapagsalita.

"Bakit mama? Ano nanaman ang nangyari? Nagkausap kayo ni papa?" sunod-sunod kong tanong sa kanya nang nag-sync-in na sa akin ang sitwayson.

"Oo! Tinawagan ko siya para manghingi ng pera! Yung hiningi mo kasi, naubos na! Ilang beses ko ba sinabi sayo na kulang yung mga hinihingi mo? Hindi ka naman nakiknig 'di ba? Kailan ka ba nakinig sa akin, Yanisa?!" pasigaw pa din ang pakikipagusap sa akin ni mama.

Here we go again.

Lately, ako na kasi talaga ang nanlilimos ng pera kay papa. Nanlilimos ako through a phone call every 2 days. Kahit labag sa loob ko, ginagawa ko. Kahit minsan, yung kabit niya yung nakakasagot, at sinusungitan pa ako, hindi ko nalang pinapansin. Nilulunok ko nalang yung pride ko. Para kay mama. Para kahit papaano ay hindi nagwawala si mama. Para kahit masaktan ako, bati naman kami ni mama – okay kami ni mama.

Ilang beses ko na siyang sinabihan na 'wag na siyang tatawag, na ako nalang lagi. Kasi kapag tumatawag si mama kay papa, nagiging emotional siya, sinisigawan niya si papa tulad ng paninigaw niya sa akin sa bahay. Tapos si papa naman, natri-trigger, to the point na naglalabas din siya ng masasamang salita towards mama. It has become a cycle.

"Sorry, mama," I just surrendered. Walang patutunguhan kapag nag-try ako magpaliwanag kay mama. Sarado ang utak niya at hindi siya nakikinig sa mga tao sa paligid niya. Inutil nga ang tingin niya sa akin eh.

"Kasal pa kami ng tatay mo at may laban ako diyan sa kabit niya at sa bago niyang pamilya. Mga putangina nilang lahat. Hindi ako papayag na matatalo nalang ako ng ganun ganun nalang." galit pa rin.

"Ano ba kasi ang nangyari sa pinag-usapan niyo?" malumanay kong tanong.

"Sinabi lang naman ng gago mong tatay na sobra sobra na daw ang perang binibigay niya sa atin. Dadalawa na nga lang daw tayo, tapos ang lakas pa natin gumastos."

Malakas naman kasi talaga siya gumastos. Kung ano ano kaya binibili niya. Mga bagay na hindi naman importante.

Tumango nalang ako.

Kailangan ko lang mag-agree lagi para hindi kami mag-away.

"At alam mo ba? Sinabihan pa niya ako na malapit na daw talaga siyang mapikon sa iyo at sa akin. Kapag dumating daw yung araw na napuno na talaga siya sa atin, ititigil na raw niya yung sustento. Putangina niya subukan niya gago siya!" halos naiiyak na sabi ni mama.

"Hindi niya pwede putulin yun, pamilya niya tayo eh," sagot ko. Totoo naman. Nasa batas 'yon.

"Sabi niya kaya niyang gawin 'yun kapag nag divorce na kami."

"H-He wants a divorce?"

"Oo, tangina niya. Hindi ako papayag. Ayusin niya muna ang buhay ko bago siya gumawa ng kagaguhan. Bigyan niya ako 10 million THB, baka pumayag pa ako. Tangina niya!" gigil pa rin si mama. Hay.

Hinayaan ko nalang si mama mag-rant ng mag-rant hanggang sa napagod din siya at kusa na siyang tumigil at umakyat sa kuwarto niya. Whew, buti tapos na.

Sa totoo lang, kung pwede lang talaga ako magdesisyon mag-isa, hahayaan ko nalang si papa sa mga gusto niyang gawin sa buhay. Kaya naman naming dalawa lang ni mama eh. 6 months nalang tapos na ang OJT ko sa Lertlah School at pwede na ako magkatrabaho. Hindi nga lang magiging kasing rangya ng buhay namin noon ang kakayanin ng sahod ko, pero it is good enough to start a new life.

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon