Midnight 45 - What

1K 42 55
                                    

Midnight (45)

"I never was."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito. Napaiwas din ako ng tingin kay Ash para pakalmahin ang mga nagwawala sa loob ko. Malalim ang aking paghinga at pansin kong ganun din siya.

Fuck, what did we just do?

Magkadikit ang aming mga noo pero marahan din siyang umayos ng tayo. Nilabas niya ang kanyang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang aking pawis. Napaiwas ulit ako ng tingin.

My face heated at his sudden sweet gesture. I don't know how to act properly after what we did. I don't even know what to say. I could still taste him and that's all I could ever think about.

"Labas na tayo? Pawis ka na," he said.

Wala sa sariling tumango lang ako. I bit my lip as I looked down.

Binuksan muna ni Ash ng konti ang pinto para sumilip. Nanigurado muna siya na walang tao sa labas bago niya ito binuksan para makalabas na kaming dalawa.

Walang nagsasalita sa aming dalawa habang naglalakad. Minsan ay napapatingin ako sa kanya pero tuwing nahuhuli niya ang tingin ko, awtomatiko akong napapaiwas ng tingin.

The hell? Anong nangyari sa akin? Bakit ako nahihiya ngayon? Parang kanina lang... iba eh.

Konting lakad nalang ay maghihiwalay na kami ng direksyon kasi 'pag dating sa may LIAM grounds, magkasalungat na ang daan papuntang apartment ko at papuntang parking lot. Bago maghiwalay ang lalakaran namin ay doon na ako naglakas ng loob na kausapin siya.

"A-Ash," I said, a bit stuttering.

He swallowed hard and his jaw moved. His ears were still red when he looked at me.

"Yes?"

"K-Kukunin mo na yung maleta mo, 'di ba?"

"Ah. Oo nga pala. Sige."

Hindi na kami nag-usap hanggang makarating kami sa LIAM apartment. Hindi ko naman siya masisisi. Kasi kahit ako rin, lutang pa rin ako sa nangyari. Feeling ko kahit hanggang bukas o hanggang sa makalawa, ganito pa rin ako, e.

"Hintayin ko nalang sa lobby, Yan? May gulong naman 'yun..." nagaalangan niyang sabi sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Lumunok na naman siya nang nagtama ang aming mga mata.

"H-Huh? Ayaw mong umakyat?"

Umiwas lang siya ng tingin at hindi na sinagot ang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang umiiwas ng tingin. Tulad ko, nahihiya rin kaya siya bigla na nagawa namin? 

Pero naka-akyat naman na at nakatulog na siya dun. Wala namang kaso kung kukunin niya dun yung maleta niya.

"Pero... okay lang din. Mabigat ba?" tanong niya.

"Oo?" sagot ko. Mabigat naman talaga. 'Tsaka bakit niya sa akin tinatanong? Maleta niya 'yun e.

"S-Sige, akyat na tayo..." sabi niya sabay lagpas sa akin. Lumakad na siya papunta sa elevator.

Sumunod nalang ako sa kanya.

Mabuti nalang at gabi na kaya hindi na kailangang magtago ni Ash sa mga ka-floor ko at sa mga pwede naming makasabay sa elevator. Mukhang nagpapahinga na kasi ang karamihan sa mga teachers.

Tinignan ko ang oras at nakitang 11 PM na rin nang nakarating kami sa apartment. Nag-init na naman ang pisngi ko sa biglang pagka-alala sa nangyari kanina. Ganun ba talaga kami nagtagal sa stock room? O baka matagal yung evaluation niya sa akin? Baka yung evaluation...

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now