Midnight 11 - Search

3.6K 81 11
                                    

Midnight (11) 


"Ladies and gentleman, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Local time is 8:50 in the evening. And the temperature is 28°C.—     

"For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the captain turns off the fasten seat belt sign.—

"On behalf of Thai Airways, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again. Have a nice evening and welcome to the Philippines!"

Whew. 

This is it. 

We have officially landed and I am really in another country now. Inayos ko ang pagkaka-tuck in ng white shirt ko sa maong pants ko bago ko sinilip ko ang plane window. Medyo maambon pala ngayon sa Pilipinas.

My last four days in Thailand went really fast. Naging busy ako sa pag-iimpake ng gamit at pagte-train sa magte-take over sa posisyon ko sa Lertlah School. Binayaran ko na din yung mga bills ko sa Thailand.

Nag-uusap pa din kami ni Ash ng tig-30 minutes every midnight. Tinuruan niya ako through phone, kung paano magtupi ng damit na naka-paikot para mas konting espasyo ang masakop ng mga damit sa maleta. I must admit, it was really helpful.

No'ng huling araw ko sa school, nagpa-pizza party si Ajarn Acha. Hindi ko alam kung farewell gift ba yun, o masaya siya kasi paalis na ako. Mahigpit ang naging mga yakapan namin nila Kroo Phu, Khaohom at Weeya. Sila ang iilan sa mga naging Thai friends ko sa Lertlah School. Mamimiss ko talaga sila. Hindi pa ako nakakaalis sa Thailand, I was already wondering when will I be back.

Si Paul naman, hindi ko na talaga nahagilap. Nakaka-tampo yung ginawa niya sa akin pero wala akong magagawa kung ayaw niya akong kausapin. Wala naman akong maalalang ginawang masama sa kanya. Wala din naman kaming pinag-awayan. Nakakalungkot lang na kung kailan kailangan ko ang best friend ko, do'n naman siya wala.

Siguro busy sila sobra ni San San ngayon kasi ang pagkakaalam ko, next week na ang alis nila papunta dito sa Pilipinas. Funny. Who would've thought na ako pa ang unang makakarating sa Pilipinas kaysa kay San San?

"Yanisa, sa Ortigas ka na muna matulog ngayon. Sa Linggo ka na ng gabi pumunta sa apartment mo." Simula ni mama.

"Okay, ma." Tipid kong sagot. Naglalakad na kami ngayon papunta sa immigration, at pagkatapos no'n ay diretso na kami sa baggage claim, and then arrival area na. Ang galing, ang dami palang proseso sa airport.

"'Nak, naiihi ako. Dito ka muna sa labas, bantayan mo muna ang gamit natin." Ani mama nang may nadaanan kaming toilet. Tumango ako at kinuha ang kanyang maleta. Dumiretso na siya sa loob ng banyo at ako naman ay nag-tingin tingin lang sa paligid.

Hindi gaanong maganda ang airport ng Pilipinas. Mas maganda ng kaunti ang sa'min sa Thailand. Wala kasing masyadong design sa Manila, halos puti lang lahat.

Naka-agaw sa aking pansin ang isang parang wooden poster sa may labas lang ng toilet kung saan ko hinihintay si mama. Napaka-makulay nito at maraming mga litrato tungkol sa Pilipinas ang magkakahalong makikita mo roon. Nakasulat din ang mga katagang 'It's more fun in the Philippines'.

Tinignan at sinuri kong mabuti ang mga pictures na naka-collage dito. Napagtanto ko na famous landmarks pala ng Pilipinas ang mga iyon. May litrato do'n ng bulkan na parang cone, meron din no'ng parang hagdan na bundok at may napaka-linaw na—

"Ouch!!!" I screamed! What was that?!

"Ouch agad, miss? Nasalo ko naman ah." Nakangisi ang lalaki na may hawak no'ng wooden poster na muntik nang bumagsak sa ulo ko! Ang bigat no'n at gawa pa sa kahoy! Kung bumagsak sa akin 'yon ay siguradong malaki ang bukol ko!

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon