Midnight 68 - Arena

596 32 31
                                    

Midnight (68)


1... 2... 3...

I counted three seconds before I opened my eyes and pushed him away. Natulak ko siya ng sobrang lakas at muntik na siyang ma-out of balance dahil dun. Lumipad ang aking kamay sa aking labi habang gulat ko siyang tinignan. Mabilis rin ang aking naging paghinga.

"Why did you push me?" he asked casually. Kunot ang noo niya pero may konting pula sa tainga niya.

"W-Why did you kiss me?" I asked back.

Silence.

He tilted his head. "Did I kiss you?"

Napanganga ako dun. He kissed me, right?! I felt it!

"Didn't you?" I asked again, now doubting myself.

His smirked playfully. "Are you daydreaming of me kissing you?"

"W-What? No!" halos napataas ko ang boses ko dun. What the hell? Ako pa ngayon?

"Are you sure?" He raised a brow. 

My heart was hammering so fast. Parang kanina lang, sigurado akong hinalikan niya ako. Pero ngayon, hindi ko na alam. Hindi ko alam kung pinagtri-tripan ba niya ako o hindi. Sa sobrang lapit pa rin niya sa akin at sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko na alam ang tunay sa hindi!

"B-Bakit ba kasi ang tagal mo sa likod ko?" I asked. I need to talk. Ayaw ko ng tahimik. Hindi ko kakayanin ang kahihiyan kapag ganun.

"Because I was helping you?"

"At hindi ako matagal doon," dagdag pa niya.

Namilog ang mata ko dun. Anong hindi raw matagal? Ang tagal niya dun! Was that all in my imagination?! Have I gone crazy?

"Are you serious?!" I gasped.

Hindi na niya ako sinagot. Sinalubong nalang niya ako ng seryoso niyang mukha. Alright, fine, he proved his point. He was indeed serious. But no shit. Kung seryoso siya, ang ibig-sabihin ba ay ako ang joke? No way!

"Sorry..." I just said. There's no winning for me in this situation. He is still my boss after all. 

He just smirked again.

"Bakit ka natatawa?" I asked.

"Because you look funny."

I mentally rolled my eyes. Kung hindi ko lang talaga siya boss ay nabatukan ko na siya ngayon.

"Alis na po ako. See you tomorrow," I said while looking down.

"Tapos mo na ba ang trabaho mo?"

Napatingin ako sa kanya. "Uh... I approved some quotations. Sabi niyo po ay ilagay ko nalang sa desk niyo. At sabi niyo rin po, hindi ko kailangan madaliin yung mga 'yun."

He nodded. "Okay."

"Okay..." I said before turning my back on him and quickly walking towards the door.

"See you tomorrow, Yan."

Napatigil ako sa paglalakad nang narinig ko na naman galing sa kanya yung pangalan ko noon. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. I gave him a questioning look. He was still in his blank face when I faced him.

"Sir, please call me Rylee. That's my name."

"Okay, Yan."

Hindi ako makapaniwalang napailing sa sinabi niya. This guy! He just wouldn't listen. Everybody that I used to know is now starting to call me Rylee except for him! 

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon