Midnight 6 - Voice

3.9K 135 12
                                    

Midnight (6) 

   

It has been a week since I last talked to the midnight caller.

My heart was thumping like crazy that night for no reason. Ngayon lang nangyari sa akin yun sa buong buhay ko. Usually kasi, nangyayari lang yun kapag umiinom ako ng kape, kaya nga nag-stop na ako sa pagkakape. Pero hindi ko talaga alam kung bakit nangyari yun uli. It's so unusual.

Ang buong akala ko, makakatulog na ako ng mahimbing dahil wala nang tumatawag sa akin na caller tuwing midnight, but still, I couldn't sleep. Lagi akong nag-iisip. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko, lagi ko siyang naiisip.

Bakit 'di na niya ako tinatawagan? Por que ba sinabi ko na 'wag na? Dahil ba nagsabi ako sa kanya na bye bye na? Nagsabi lang naman ako sa kanya na ayaw ko siyang makausap dahil ayaw niyang magpakilala eh. Pero since nagpakilala naman siya, dapat tumatawag pa din siya 'di ba? At bakit kaya siya nagpakilala? At bakit pagkatapos nun, 'di na siya nagparamdam? Ano bang trip niya?

Simula nung nakausap ko siya, hindi na talaga ako nakatulog ng maayos. Parang ngayon, midnight na, wala siyang tawag, pero gising na gising pa din ako. Mulat na mulat pa ang mata ko at ang diwa ko. Kahit anong pilit kong matulog, hindi ko magawa. Hay.

Nanuod nalang ako ng mga videos sa Youtube hanggang sa nakatulog din sa wakas.

***

Narito ako ngayon sa cafeteria ng Lertlah School, kumakain ng lunch mag-isa. Medyo sanay na rin ako kumain ng magisa. Si Paul, minsan nakakasama ko, minsan naman hindi. Kaya lagi ko nalang ine-expect na magisa ako para hindi ako umaasa. Mukhang masayang masaya siya sa relasyon niya eh. Hindi ko naman siya masisisi. Masarap naman kasi talaga ma-inlove.

'Tom Kha Kai' ang ulam namin ngayon, isa sa mga favorite ko. Chicken strips siya na binabad sa coconut milk. Medyo maasim na maanghang. Authentic Thai dish.

Yung mga katabi kong Thai teachers, nag-uusap lang tungkol sa lectures nila sa mga bata. Ako naman naka-earphones lang na walang sound. Hindi naman sa nagsusungit ako pero wala din kasi ako sa mood makipag-usap. Nakakapagod din yung naging morning classes ko ah. Ubos nanaman ang energy ko sa mga chikiting. And take note, 3 hours lang ang tulog ko.

Binuksan ko nalang ang cellphone ko at naglaro ng games. Ang alam ko, naglalaro lang talaga ako ng games eh. Pero nagulat nalang ako nang sinearch ng sarili kong mga daliri sa google ang pangalang 'Ash Anderson'

Wala naman sigurong masama 'di ba?

Dalawang 'Ash Anderson' ang lumabas agad sa top search. Yung una ay Ash Mariano Anderson. I tapped the 'images' part ng google page para makita ko ang itsura niya. Lumabas ay matabang lalaki na parang lasinggero. Diyos ko po!

I tapped that first picture and I was redirected to serialkillers.com, and there, lumabas ang mga crimes committed at ang serial killer profile ni Ash Mariano Anderson. Bumilis nanaman bigla ang tibok ng puso ko. Sa kaba. Sa takot. Sino ba naman ang hindi matatakot? K-Killer siya?

Sabi ko na nga ba at hindi talaga ako dapat nakikipag-usap sa mga hindi ko naman kakilala. Buti nalang naitigil ko na yung katangahan kong yun. Thank you, Lord. Whew! Napahawak ako sa dibdib ko nang huminga ako ng malalim.

"What are you searching?" biglang tanong sa akin ni Kroo Phu, isa sa mga Thai teachers na kaibigan ko.

Bigla ko tuloy nahawi yung phone ko palapit sa akin, sana hindi niya nakita.

"Oh, nothing. Hehe," sagot ko sa kanya sabay ngisi na parang aso. Hay. Jusko. Yanisa, ano ba kasing pinaggagagawa mo?

"Okay. We will go to the staff room now, are you coming with us?" Si Kroo Phu padin.

Midnight Stalker (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang