Midnight 43 - Observe

989 36 41
                                    

Midnight (43)


"W-Why do you have this with you?"

Napatingin si Paul sa cellphone ko na hawak ko. Matagal ang naging pagtitig niya dun. Medyo kumunot ng konti ang noo niya bago niya binalik ang tingin sa akin.

"Where'd you find it?" nagtataka niyang tanong.

May taxi na huminto sa harap niya pero sumenyas siya na hindi muna siya sasakay. Binalik niya ang tingin niya sa akin. Nagtataka pa rin ang ekspresyon niya. Ako naman, nalilito pa rin.

He didn't look like what I expected him to be. I thought he would go nuts thinking that I found his dirty little secret. But his expression said otherwise.

He looked... innocent.

He even looked amused.

"Answer my question first," I said.

Tinignan niya ako ng ilang segundo bago ngumuso at sumagot.

"I met a friend, Atty. Rami, recently in Bangkok. Nitong huli ko lang nalaman na siya pala ang may-ari ng Silom Night Bar. Na-kwento ko sa kanya na nawalan ka ng phone dun. Tapos binalik niya sa akin 'yan. Hindi naman daw nabalikan ng may-ari."

"Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan kasama ng diploma mo pero hindi ko makita kung sa'n ko naitago, e." Kinamot niya ang ulo niya. Mukhang medyo nahihiya pa siya sa sinasabi niya sa akin.

"Buti nakita mo," dagdag pa niya. "Nahulog ko ba?"

Tumango ako. "Oo, pagkuha mo ng diploma ko sa bag, nahulog kasama nun."

"Ah, ganun ba? Sorry, Yanyan." Ngumiti siya. "Gusto ko talagang ibigay 'yan sa 'yo kaso sumuko na ako nung hindi ko na nakita. Buti nalang at nasa dulo lang pala ng bag ko, haha!"

"Are you sure?" pag-aalangan ko.

"Oo naman."

"Kailan pa ito nasa 'yo?" tanong ko ulit.

"Nung nakita ko si Atty. Rami nitong huli lang. Bakit?"

"A-Are you telling the truth?"

"Oo naman. Why, Yanyan? Is there anything wrong?" tanong niya.

"No. Bakit? Is there anything wrong?" ulit ko sa tanong niya sa akin.

"Wala," sabi niya. Diretso ang tingin niya sa aking mga mata.

Kaya niya akong tignan ng diretso sa aking mga mata. Ibig bang sabihin nito ay nagsasabi siya ng totoo? Pero medyo nagulat siya kanina. Pero pwede rin kasing nagulat siya dahil nakita niya akong hinihingal at hinahabol siya.

I sighed hard.

I think I got the wrong impression.

Fuck, assume pa.

Ano bang kasing iniisip ko? Na may masamang ginagawa si Paul? Na magnanakaw siya ng phone? The hell. Masyado na talaga yatang maraming misteryo sa LIAM at pati si Paul ay dinadamay ko na rin.

"Okay. Thanks, Paul."

"Sige, Yanyan. Mala-late na rin ako sa flight ko. Ingat ka lagi." Malungkot siyang ngumiti ulit bago siya pumara ng taxi.

Huminto ang taxi sa harapan niya at tinulungan siya nung taxi driver na ilagay yung mga gamit niya sa likod. Sumakay na si Paul sa loob pero binaba niya yung bintana para makita niya akong muli.

"Ingat ka rin," sabi ko.

"See you soon," was his last words before the taxi left.

Naiwan akong nakatayo habang tinitignan ang pagharurot at paglayo ng taxi.

Midnight Stalker (Completed)Where stories live. Discover now