Midnight 61 - Please

581 29 22
                                    

Midnight (61)


"Y-You know each other?"

Pabalik-balik ang tingin ko kila Paul at Zarek na parehong naka-upo ngayon sa harapan ko. Nandito kami sa apartment unit ko sa LIAM. They both looked serious.

My mouth formed a circle when they nodded.

How the hell?

It's already been a week since I baked a chocolate cake as a present for Ash for our sixth monthsary. It has also been a week since I moved back to my LIAM apartment from living-in with Ash at his house.

I haven't seen Ash since then. Busy siya sa pag-aalaga kay ate Morganne at wala namang problema sa akin 'yun. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon. She needs him more than I do.

Kakatapos lang ng klase ko nang hinarang ako ni Zarek. Iiwasan ko sana siya pero nalaglag ang aking panga nang nakitang kasama niya si Paul...

"May dalawa pang slice, kainin niyo nalang," sabi ko sabay abot ng chocolate cake sa kanilang dalawa. Wala naman akong ibang maibibigay sa kanila na pagkain dahil 'yang cake lang naman na 'yan ang kinakain ko buong linggo, e.

"Bakit walang ibang laman ang ref mo, Yanyan? 'Wag mo sabihing 'yang cake lang na 'yan ang kinakain mo?" ani Paul, nakakunot ang noo.

"Dude, relax," bulong sa kanya ni Zarek.

"Yanyan, alagaan mo naman ang sarili mo."

I sighed.

"I appreciate the concern, Paul. But please, just tell me why you two are here and how the hell you are connected to each other," I said.

Marahas na ginulo ni Paul ang buhok niya bago huminga rin ng malalim. Umiling siya nang tumingin siya sa akin.

"If you continue acting like that, Paul, then you may now leave. I'll just talk to Zarek."

"We will leave," he corrected me.

Kumunot ang noo ko dun. What is he talking about now?

"We have to leave the Philippines as soon as possible," ulit pa niya.

I scoffed.

"I'm not going anywhere," mariin kong sinabi.

"Yanyan, listen to me. I'll tell you everything."

Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako kay Paul o hindi. Hindi ko na kasi talaga siya kilala. Tinignan ko ang cellphone ko kung may chat ba sa akin si Ash pero wala. Gusto kong gumawa ng dahilan para umalis na sila pero gusto ko ring malaman ang totoo. Hindi ko na maintindihan kung ano ba ang gusto ng sarili ko.

"Yanyan, please listen," sabi pa niya.

Umayos nalang ako ng upo at pinakinggan siya. Hinanda ko ang sarili ko na umalis o mag-walk out kung may sasabihin na naman siya na walang kwenta tulad ng pag-alis, pero hindi ko inasahan ang mga susunod niyang sinabi.

"I was seventeen and crazily in love with you when it all started."

"What?" I asked.

"Just please listen, Yanyan. We don't have much time. Kahit sampung minuto lang, patapusin mo ako. Please."

Tinignan ko lang siya. Nang sinabi niya ulit yung salitang 'Please' ay tumango nalang ako.

"Unang naging trabaho ni mama pagdating palang namin sa Thailand, ay ang pagiging nanny o yaya. Pinatira niya ako sa dorm ng kakilala niya habang nag-aaral ako, at siya naman ay namamasukan kay Rachadee Suprapaporn, na step-dad ni San San.—

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon