Midnight 15 - Call

3.6K 67 36
                                    

Midnight (15)


Sunday.      

"Lagi ka bang nag-gy-gym?" 

"Hindi naman. Sadyang ganito lang talaga kalaki ang katawan ko."

"Ah. Wow. Natural?"

"Parang gano'n na nga."

"Galing naman. Hehe." I said while trying my best not to roll my eyes.

Is that even possible? Sobrang laki ng katawan niya, sobrang buff. He can't be all jacked up without going to the gym at least two or three times a week. 'Tsura nito ni Cairo. Kahit naman hindi ako nagwo-work out, alam ko naman yung basics ng ganyan.

Nandito kami ngayon ni Cairo Fuentes sa Dulcinea, isa sa mga pinaka favourite kong restaurants. Hindi na ako magdududa kung bakit dito ako dinala ni Cairo, kasi for sure, sinabihan siya ni mama na paborito ko dito. Grabe din talaga si mama at yung mga amiga niya eh, todo build up sa amin. Hindi ko naman type 'to. Ayaw ko sa sobrang daming muscles. Parang bato eh, ano ka, si Golem?

"You are very pretty today," Cairo seductively said. Naubo ako dahil sa sinabi niya. What? Ngayon lang naman kami nagkita ah. And why is his voice... like that?

"T-Thanks."

"Nababaliw na ako sobra sa kagandahan mo, Yanyan. Mahal na yata kita." Sabi niya sabay dila ng hinlalaki at hinliliit niya. Tapos no'n, dahan dahan niyang pinahid yung mga daliri niyang basa sa kilay niya! Ew! The fuck was that?!

Ayaw ko na talagang magmura. Actually, pinalaki ako ni mama na marunong magmura tulad niya. Pero unti-unti ko nang natatanggal ang pagmumura lately. Kaso no'ng dumating ako sa Pilipinas, bumalik nanaman lahat ng bad words ko. Lalo na ngayon. Ang sarap magmura ng malulutong sa harap nitong si Cairo eh.

I can't imagine how mama liked him for me! Ang sabi niya sa akin, gwapo. Pero hindi naman! Kapag ganito nalang ang mga natitirang lalaki sa mundo, I'd rather be single! Ugh! I do not want to be offensive, pero hindi ko talaga kaya si Cairo maging boyfriend.

"Mahal agad? Cairo, we just met." I told him, still trying my best to be casual, and somehow interested. Ayaw ko lang siyang ma-offend. That's it. But I am done, I would never want to go out with him again after this.

"Kasalanan ko bang mabilis magmahal ang puso ko sa isang napakagandang dilag na tulad mo?" Aniya, sabay dila sa kanyang upper lip. Ew! Ang perv ng dating! Kadiri. I need to find my way out! Hindi ko na kakayanin tumagal pang kasama niya!

"Uhm, Cairo. I have to go." I said as I hurriedly packed up my things. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso. Shiz!

"Yanyan, manunuod pa tayo ng movie. Pinagpaalam kita sa mama mo ng buong araw."

"I know, Cairo. But, I just remembered that I have to do something in my school apartment. Kailangan kong umalis ng maaga ngayon. I'm sorry." I apologized to him like I really mean it. I tried making a sad face. Sana effective. I mentally crossed my fingers.

"May next time pa naman 'di ba?" Malungkot ang boses niya. Pero yung mukha niya, ewan ko, 'di ko mabasa.

"I can't promise, Cairo. But, we'll see." I smiled awkwardly as I waved him goodbye. Nag-wave back naman siya, kaso kumindat pa. Nakaka-kilabot talaga. Mabilis tuloy ang naging paglabas ko sa restaurant. 

Whew!

Grabe! I felt so relieved na nakatakas ako sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko pa kasing tumagal sa date na 'yun. For the whole duration of the date, ang usapan lang namin ay kung gaano ka-ganda at ka-natural ng muscles niya, at yung mga banat niyang nakaka-kilabot.

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon